BILANG paggunita sa ika-121 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 12, magsasagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng 22 Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) job and business fairs sa 16 na rehiyon sa buong bansa.
May 70,000 inisyal na bakanteng trabaho ang iaalok ng 560 participating employers, sa ulat ng Bureau of Local Employment.
Pinayuhan ni Secretary Silvestre H. Bello III ang mga aplikante na pumunta sa alinmang job and business fair sa kanilang lugar para sa kanilang paghahanap ng trabaho dahil maraming employer ang matatagpuan sa mga lugar na paggaganapan.
Sinabi ni Bello na dapat ihanda ng mga aplikante ang mga sumusunod na dokumento na kakailanganin sa kanilang aplikasyon: resume o curriculum vitae (magdala ng ekstrang kopya para sa iba’t ibang aplikasyon); 2 x 2 ID pictures; certificate of employment para sa mga dating nagtatrabaho; diploma at/o transcript of records; at authenticated birth certificate.
Gaganapin ang 2019 Independence Day job and business fairs sa mga sumusunod na lugar:
National Capital Region (NCR) – San Andres Sports Complex, Malate, Manila
Cordillera Administrative Region (CAR) – Sky Zone, Porta Vaga Mall, Upper Session Road, Baguio City
Region 1 – Nepo Mall, Dagupan
City; Candon Civic Center, Candon City, Ilocos Sur; Union Christian College, San Fernando City, La Union
Region 2 – People’s Gymnasium, Tuguegarao City, Cagayan
Region 3 – Ayala Malls, Harbor Point, Subic Freeport Zone, Zambales
Region 4A – Pavilion Mall, Biñan City, Laguna; Liwasang Aguinaldo, Kawit, Cavite
MIMAROPA – San Jose, Occidental Mindoro; Odiongan, Romblon
Region 5 – Robinsons Place, Naga City
Region 6 – 888 Premier Mall, Bacolod City
Region 7 – Cebu City Sports Complex/Abellana National School; Lapu-Lapu City; Lamberto L. Macias Sports and Cultural Center, Dumaguete City
Region 8 – Provincial Covered Court, Catbalogan City, Samar
Region 9
– KCC Mall de Zamboanga, Gov. Camins Ave. Zamboanga City
Region 10 – Atrium, Limketkai Center, Cagayan de Oro City
Region 11 – NCCC Mall Buhangin, Km. 7, Tigatto Road, Buhangin, Davao City
Region 12 – Trade Hall, SM City Gensan, General Santos City
CARAGA – PLGU Training Center, Capitol, Butuan City
Gugunitain ang 2019 Araw ng Kalayaan na may temang, “Kalayaan 2019 Tapang ng Bayan, Malasakit sa Mamamayan.”
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer
Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.