Pops nakachikahan si Drew Barrymore; natulala kay James Corden

By Julie Bonifacio June 12,2019
share this

Pops nakachikahan si Drew Barrymore; natulala kay James Corden

By Julie Bonifacio June 12,2019
share this

POPS FERNANDEZ AT DREW BARRYMORE

Ibinahagi sa amin ng Concert Queen-producer na si Pops Fernandez ang naging experience niya sa pagiging judge sa international talent show hosted by James Corden, ang World’s Best.

“It’s a wonderful experience. Siyempre the best part of it, aside from the show itself and being able to work with CBS, is ang dami kong nakilala na mga equally talented, even more talented artists from all over the world. So, ‘yung network ko lumago lalo. Ang dami-dami kong friends ngayon. We all fell in love with each other, believe it or not,” kuwento ni Pops.

One month naka-bonding ni Pops ang ibang hurado sa World’s Best. At hanggang ngayon nakikipag-meet pa rin siya sa kanila, “Pag nasa LA ako I meet up with some of them. So, naging sobrang close talaga kami, ‘yung honest-to-goodness,” paglilinaw ni Pops.

Knows daw ng mga kasama niyang hurado na isa siyang Concert Queen dito sa Pilipinas, “Yes, we all did research each other nu’ng na-meet na naming ‘yung isa’t isa. Tapos ‘yun ‘yung amazing nga doon, kumbaga, ‘Grabe! Sikat na sikat pala siya doon.’ Ha-haha! So, alam mo ‘yun?”

Tinanong namin si Pops kung paano siya napiling judge sa World’s Best, “Actually, isa ako doon sa hinahanap nila talaga. And they interviewed me through Facetime, para makilala nila ako, makausap nila ako. So, siyempre at 2 a.m., I was doing an interview. So, Diyos ko, magang-maga pa ang face ko,” kwento pa niya.

Pagpapatuloy pa ni Pops, “Sabi ko, ‘I don’t normally look like this. I look better than this.’ Ah, but yeah, ang masasabi ko isa ‘yan sa unforgettable experience ko in my whole career.”

Nakatsikahan din daw niya si Drew Barrymore during her stay as a judge sa show, “Yes, at ang bait-bait nila, in all honesty. Tapos fan din ako ni James Corden. Every so often iniinterbyu niya kami.

Na-starstruck ako, natameme ako.”

Anyway, susubukan naman ni Pops ang maging film producer sa kauna-unahang pakikipagsanib-pwersa niya sa Cignal Entertainment, sa pagpoprodyus ng “Feelennial” na pinagbibidahan nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani.

Kasama rin sa “Feelennial” sina Nar Carbico, Ina Feleo, Nicole Donesa, Jelai Andres, Nicole Donessa, Sophia delas Alas, at marami pang iba mula sa direksyon ni Rechie del Carman. Showing na ito sa June 19.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending