Dyosang female star maldita kaya nilalayasan ng mga empleyado

By Cristy Fermin June 11,2019
share this

Dyosang female star maldita kaya nilalayasan ng mga empleyado

By Cristy Fermin June 11,2019
share this

SA malapitan at malayuan ay napakagandang tingnan ng isang kilalang female personality. Siya ang nagmamay-ari ng kagandahang walang kupas.

Mula nu’n hanggang ngayon ay napakaganda pa rin niya, alagang-alaga ng aktres ang kanyang itsura, kahit ang katawan niya ay hindi lumaki na katulad ng mga kakontemporaryo niya.

Pero bakit kaya patuloy ang paglabas ng mga kuwentong hindi kagandahan tungkol sa kanya?

Mismong mga taong malapit pa sa kanilang mag-asawa ang pinagmumulan ng mga hindi kagandahang istorya.

Kuwento ng aming source, “Nakakagulat nga dahil mismong mga taong nagtatrabaho sa kanilang mag-asawa ang nagkukuwento tungkol sa kamalditahan ng girl!

“Kung gaano raw kabait ang husband niya, e, ‘yun naman ang pagkamaldita ng girl! Sabi pa ng mga sources, e, siya ang dahilan kung bakit maraming staff nila ang nagpapaalam agad.

“Mahirap kunong i-please ang girl, palagi siyang naghahanap ng mali sa mga staff nila, hindi siya marunong mag-appreciate.

“Sayang, ang ganda-ganda pa naman niya, pero kung ganyan naman ang mga kuwento tungkol sa kanya, e, parang nababawasan ang ganda niya,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Matagal na hindi naging aktibo sa pag-arte ang magandang female personality, may pinasok siyang ibang mundo na bago sa kanya, hanggang sa bumalik na uli siya sa pag-arte.

Patuloy ng aming source, “Dahil hindi nga siya madaling i-please, inaalihan ng nerbiyos ang mga nagtatrabaho sa kanya. Nagugulantang agad sila kapag nagsasalita na ang female personality.

“Kaganda-ganda niyang babae, pero parang nakakakita ng multo ang mga tauhan nilang mag-asawa.

Ninenerbiyos sila agad! Alam ‘yun ng husband niya, pinag-aargumentuhan nga nila ang ugali ng girl!

“Kaya kapag may nagpapaalam na silang staff, sa house man nila o sa opisina, alam na agad ng lalaki ang dahilan kung bakit. Deadma naman siyempre ang girl!
“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, napakalayo ng ugali sa kanya ng magandang female personality na napangasawa ng ex-boyfriend niya!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending