'Kailangang mag-public apology si Barbie kay Manoy; buhay pa pero pinatay na niya' Bandera

‘Kailangang mag-public apology si Barbie kay Manoy; buhay pa pero pinatay na niya’

Cristy Fermin |June 11,2019
share this

‘Kailangang mag-public apology si Barbie kay Manoy; buhay pa pero pinatay na niya’

Cristy Fermin June 11, 2019 - 12:30 AM

BARBIE IMPERIAL AT EDDIE GARCIA

Naging maasim na naman ang mundo ni Barbie Imperial. Umarya na naman daw kasi ang pagiging sawsawera ng magandang young actress.

Dahil sa kanyang pagsawsaw ay puro pamba-bash ang inaabot niya ngayon, buong-ningning kasi siyang nag-post ng mensahe tungkol sa beteranong aktor-direktor na si Mr. Eddie Garcia, na ganito ang nilalaman.

“It has always been my dream to work with the one and only Oragon, Mr. Eddie Garcia. It’s so sad that he passed away. Rest in peace po, sir, you are my inspiration. Truly an Oragon,” pahayag ni Barbie.

May punto naman ang mga namba-bash kay Barbie, napakabilis kasi niyang maniwala sa mga balitang nababasa lang niya, halos nakatira na rin naman ang dalaga sa social media pero hindi muna niya inalam na mabuti kung ano ang sitwasyon ng kanyang paboritong aktor.

Sabi ng isang pumuna kay Barbie, “Mema lang kasi. Makasawsaw lang. Kahit fake news, pinapatulan! Lagi naman siyang ganyan, may kuwento lang siyang nabasa tungkol sa kahit kanino, naka-react na agad siya!”

Maganda naman ang intensiyon ni Barbie sa kanyang mensahe, kaya lang ay hindi muna siya naglaan nang kahit kaunting panahon para malaman niya ang totoong kundisyon ng beteranong aktor, buhay na buhay pa si Tito Eddie ay pinatay na niya agad.

Aktibo sa social media si Barbie Imperial, dapat ay nagsaliksik muna siya tungkol sa nangyari sa beteranong aktor, hindi ‘yung ganu’n na agaran na siyang maglalabas ng mensaheng wala namang katotohanan.

Binura na ni Barbie Imperial ang kanyang post pero ang sigaw ng mga netizens, huwag lang basta burahin, kailangan niyang humingi ng dispensa sa kanyang ginawa.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending