Kilalang aktres hiniwalayan ang asawang sobrang tamad, nauubos ang oras sa 'kapipindot' | Bandera

Kilalang aktres hiniwalayan ang asawang sobrang tamad, nauubos ang oras sa ‘kapipindot’

Cristy Fermin |June 10,2019
facebook
share this

Kilalang aktres hiniwalayan ang asawang sobrang tamad, nauubos ang oras sa ‘kapipindot’

Cristy Fermin - June 10, 2019 - 12:15 AM


MADALAS pagtalunan ng mga taong nakapaligid sa nagkahiwalay na magkarelasyon ang totoong dahilan kung bakit pagkatapos nang mahabang panahon ay sa hiwalayan pa rin nauwi ang kanilang pagmamahalan.

May kampo ang aktor, may sariling kampo rin ang aktres, kaya natural lang na kani-kanyang pagtatanggol ang mga ito sa kanilang minamanok.

Pero sa bandang dulo ng pagtatalo ay isang-isang bagay lang ang malinaw, nagsawa na ang female personality sa kanyang sitwasyon, napagod na siya dahil lumalabas na siya ang babae pero may kabigatan ang katawan ng kanilang padre de pamilya.

Kuwento ng source na malapit sa babaeng persona-lidad, “Totoong walang third party involved sa hiwalayan nila! Totoo ‘yun! Walang naging karelasyon ang guy habang nagsasama pa sila ng wife niya!

“Paano naman magkakaroon, e, pati ang paghanap ng ibang babae, kinatatamaran din niya? Tamad ang guy, malaking trabaho para sa kanya ang paghahanap ng girl, sa totoo lang!” madiing patunay ng impormante.

Dahil sa sobrang pagmamahal sa aktor ay naging martyr kuno ang aktres. Pinalampas lang niya ang lahat, pinagtatakpan niya ang kanyang mister sa pamilya niya, kahit pa alam na ng kanyang mga kapatid na may katamaran ang kanyang mister.

Balik-chika ng aming source, “Naku, dapat lang siyang magsipag ngayon, wala nang susuporta sa kanya, hiwalay na sila! Ala-ngan namang kahit tapos na ang relasyon nila, e, umasa pa rin siya sa ex-wife niya!

“Sobrang nakakahiya naman ‘yun, kaya talagang kailangan na niyang kuma-yod ngayon, magsipag na dapat siya dahil wala na siyang maaasahan mula sa girl! Hindi na puwede ngayon ang tamad-tamaran, kaila-ngan nang gumaan ang katawan niya!

“Natural, dala-dala ng guy ang mga gadgets niya nu’ng umalis na siya sa bahay nila, maiiwanan ba naman niya yun, e, ang mga gadgets na ‘yun ang sparring partner niya sa maghapon?

“Nagtatrabaho ang girl, siya naman, e, pindot lang nang pindot, wala na siyang ginawa kundi ang maglaro ng mga paborito niyang games!

“Magaling naman siyang umarte, di ba? Gamitin niya ang talent niya sa kapaki-pakinabang na dahilan! Magaling ka ngang umarte, e, tamad ka naman, ano ang mangyayari sa buhay niya!” madiing-madiing kuwento ng aming source.

Ay, Bradly Guevarra, kilalang-kilala mo kung sino ang male personality na ito, ex siya ng paborito mong female personality na paborito ng mga bata ang pangalan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibulong mo na lang kina Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio kung sino siya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending