PATULOY ang pagbaba ng lebel ng maraming dam sa bansa, kasama na ang Angat at Ipo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Sinabi ng Pagasa na bumaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa 165.74 metro, mas mababa ng .41 metro, samantalang nasa 100.74 metro naman ang Ipo Dam, mas mababa ng .03 metro.
Ito’y sa kabila naman ng nararanasang pag-ulan sa maraming lugar sa bansa.
Bumaba rin ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam, Ambuklao Dam, Binga Dam, Pantabangan Dam, Magat Dam, at Caliraya Dam.
Bahagya namang tumaas ang lebel ng tubig sa San Roque Dam matapos makapagtala ng 236.24 metro mas mataas ng .37 metro kumpara sa from 235.87 metro na naitala noong Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.