Veteran male singer na nalulong sa bisyo hindi na makakanta, hirap nang magsalita | Bandera

Veteran male singer na nalulong sa bisyo hindi na makakanta, hirap nang magsalita

Cristy Fermin |June 09,2019
facebook
share this

Veteran male singer na nalulong sa bisyo hindi na makakanta, hirap nang magsalita

Cristy Fermin - June 09, 2019 - 01:44 AM

SISING-ALIPIN na siguro ngayon ang isang nagkakaedad nang male singer dahil sa kanyang mga pinagdaanang bisyo. Ayon sa kuwento ay ang lalaking ito ang totoong naging dahilan kung bakit nagkabisyo rin ang isang pamosong female personality.

Naging pabaya kasi sa kanyang sarili ang male singer, todo-pasa lang siya, hindi niya kinakarir ang kanyang karir.

Kuwento ng isang source, “Nu’ng mga panahong walang pakialam sa mundo ang male singer na ‘yun, e, napakarami niyang sinayang. Iba kasi ang style niya, iilan lang sila sa ganu’ng atake, sinayang niya ang pagkakataong ‘yun!

“Puro pagpapasarap sa buhay lang ang inatupag niya nu’n, talagang pinabayaan niya na ang pagkanta na naging puhunan niya para makilala siya!” umpisang kuwento ng impormante.

umiwas sa kanya nu’n, mahirap na raw kasi, dahil baka isipin ng iba na ganu’n din sila sa male singer kung makikipaglapit sila.

Patuloy ng aming source, “Masyado na kasi siyang praning, kung anu-ano ang ipinagdududa niya tungkol sa ibang tao. Wala namang ginagawang masama sa kanya, pero inaaway niya.

“Ganu’n naman talaga ang mga nagbibisyo, di ba? HIndi sila mapakali, makakita lang sila ng mga nag-uusap, e, iniisip na agad nila na sila ang pinagpipistahan sa umpukan!

“Ganu’n na ganu’n ang male singer na ‘yun, pinag-iisipan niya ng masama ang kapwa niya singers, gumagawa siya ng mga kuwento ng paninira na malayo naman sa katotohanan. Kaya iniiwasan tuloy siya nu’n, maraming kasamahan niya ang naiinis sa kanya.

“Pero ngayon, e, ibang-iba na siya, para na siyang priest kung magsalita at magpadala ng mga text messages, ganu’n daw talaga ang mga nagbisyo, kapag gising na sa katotohanan, e, biglang bumabait!

“Hindi na siya nakakakanta, hirap na siyang magsalita, matindi ang naging epekto sa kanya ng bisyong hindi lang katawan ang sinisira kundi pati ang disposisyon ng gumagamit,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, di ba, gusto n’yong makarating sa Spain? ‘Yun na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending