Eddie Garcia biglang natumba sa taping, ilang oras na-coma | Bandera

Eddie Garcia biglang natumba sa taping, ilang oras na-coma

Ervin Santiago |June 08,2019
facebook
share this

Eddie Garcia biglang natumba sa taping, ilang oras na-coma

Ervin Santiago - June 08, 2019 - 05:44 PM

BIGLA na lang natumba ang award-winning veteran actor-director na si Eddie Garcia habang nagte-taping para sa bago niyang teleserye.

Ayon sa balita, nagte-taping para sa Kapuso series na Rosang Agimat ang aktor nang mangyari ang insidente at mabilis siyang isinugod sa Mary Johnston Hospital sa Tondo, Manila.

Ilang oras din daw na-comatose ang aktor hanggang sa ma-revive ng mga doktor na tumitingin sa kanya.

Balitang ililipat sa isang ospital sa Quezon City ang beteranong aktor matapos ang ilang test na ginawa sa kanya.

Nag-post naman ang aktres na si Vivian Velez sa kanyang Facebook account ng litrato kung saan makikitang buhat-buhat siya ng mga tao sa location para dalhin sa ospital. Humiling din si Vivian sa kanyang followers na ipagdasal ang aktor.

“Let’s pray for the speedy recovery of direk Eddie Garcia now in critical condition.

ctto @ Rosang Agimat taping set today,” aniya.

Bumaha rin ng mensahe para kay Manoy Eddie kasabay ng pagdarasal para sa kanyang kaligtasan.

Habang sinusulat ang balitang ito hinihintay pa rin namin ang official statement ng GMA 7 tungkol sa nangyari kay Manoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending