Pia, Catriona binigyan ng tips si Klea Pineda pag sumali na sa Bb. Pilipinas
Kilig na kilig at talagang na-starstruck ang Kapuso actress na si Klea Pineda nang muling makita sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa isang fashion charity gala recently.
Alam naman ng lahat ng isa sa mga ultimate dream ni Klea ay ang maging beauty queen tulad ng kanyang mga idol. At in fairness, mismong sina Catriona at Pia ang nagsabing sumali na siya sa Bb. Pilipinas pero may payo sila sa Kapamilya actress bago mag-join.
“If she’s thinking about joining Bb. Pilipinas, just go for it ’cause your life will really change,” chika ni Pia sa isang panayam.
Ayon naman kay Catriona, dapat alam ni Klea ang rason kung bakit siya magdyo-join sa nasabing beauty pageant at kailangan ready siya sa lahat ng aspeto ng pagiging beauty queen.
“You know, just enjoy the journey and find why you’re doing it. There has to be a purpose behind it,” chika ni Cat.
Sey naman ni Klea nang maka-bonding muli ang dalawang reyna, “Minsan lang ako ma-starstruck talaga and nangyayari lang sa akin ‘yun kapag Miss Universe ang kaharap ko or beauty queens!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.