Janine kinakarir ang pagiging ‘impakta’ sa Dragon Lady
PATULOY na umiinit at tumitindi ang mga eksena sa GMA Afternoon Prime na Dragon Lady lalo na ngayong natupad na ni Scarlet (Janine Gutierrez) ang kanyang plano laban sa mga taong nang-api sa kanyang pamilya.
In fairness, nakakapagod ang role ni Janine sa DG, ha! Talagang kailangan niyang panindigan ang pagiging “impakta” para maturuan ng leksyon ang kanyang mga kaaway, kabilang na ang lalaking nanloko sa kanya, si Michael (Tom Rodriguez).
Gagawin din ni Scarlet ang lahat para mabulok sa kulungan sina Astrid (Joyce Ching) at Vera (Maricar de Mesa) bilang ganti sa pagkawala ng kanyang mga magulang (Diana Zubiri at James Blanco).
Matapos ngang masunog ang kanilang bahay at maubos ang kanilang ari-arian, ano nga kaya ang naghihintay kina Astrid at Vera sa kulungan?
Matakasan kaya nila uli ang batas?Yan ang dapat n’yong abangan sa trending at top-rating afternoon series ng GMA, ang Dragon Lady.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.