James, Moira kinampihan ni Regine laban sa mga bashers ng "Idol PH' | Bandera

James, Moira kinampihan ni Regine laban sa mga bashers ng “Idol PH’

- June 04, 2019 - 12:03 AM

DUMEPENSA ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez laban sa mga basher nina James Reid at Moira dela Torre.

Kasama niya ang dalawa sa reality singing search ng ABS-CBN na Idol Philippines bilang mga judge na sinasabihang wala raw kredibilidad maging hurado sa show.

Sa panayam ng ABS-CBN, naniniwala si Regine na pinili ng management sina James at Moira dahil sa kanilang kakayahan at talento bilang mga performer.

“Mayroon kaming mga kanya kanyang specialty. Ako obviously, sa technicals ako. A lot of times, they don’t even question what I say. So kanya kanya kami ng trabaho. They were chosen because mayroon silang expertise din,” chika ng Songbird.

Nagpapasalamat din si Regine sa lahat ng mga nanonood sa Idol PH dahil palagi nga itong trending sa social media.

“That’s a good thing. Very interesting naman kasi talaga ‘yung show and the mix of the contestants. Plus you have four different personalities in there na iba din ang tingin sa bawat performance. It’s really interesting,” pahayag pa ni Regine.

Aminado naman siya na hindi madali ang maging judge sa isang contest tulad ng Idol Philippines dahil talagang mahirap pumuli ng mga singer na papasa sa kanilang standards.

“It’s part of our job. When I took on the job of being a judge on Idol Philippines, I wanted to be honest, hindi para mang-hurt ng feelings or sirain dreams nila. I want for them to be better kaya kailangan ko maging honest. Hindi ko puwedeng sabihin na okay lang pero hindi naman,” sey ng Songbird.

Nagpaliwanag din siya tungkol sa episode kung saan nagkontrahan sila ni Moira about a certain contestant, “Parang once lang naman nangyari ‘yun. Kasi parang kanya kanya kami ng opinion.

“That was my opinion and she was just trying to also… kumbaga pinagtatanggol niya but unfortunately, I didn’t see it that way. But whatever happens in the Idol table, stays in the Idol table,” ani Regine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending