Louise nagluluksa sa pagpanaw ng ina: Miss na miss na kita, mama
MARAMING nagulat sa balitang sumakabilang-buhay na pala ang nanay ng Kapamilya actress na si Louise delos Reyes.
Pumanaw si Mrs. Elvira Perido noong May 4, 2019 dahil sa kidney failure. Siya ay 68 years old.
Kung hindi pa binati ni Louise ang kanyang ina ng happy birthday nitong nakaraang araw ay hindi pa malalaman ng kanyang fans and social media followers na namatay na ang kanyang pinakamamahal na ina.
Nag-post ang aktres sa kanyang Instagram account ng throwback photo nilang magnanay na may caption na, “Happy birthday, Mama. Maraming, maraming salamat sa lahat ng pagmamahal, pag-aaruga, at pagpapasensiya sa akin.
“I know our relationship might not be the best, pero dahil sa mga pagsubok na dumaan sa atin, mas lalo nating minahal ang isa’t isa.
“Masaya akong napaglingkuran kita hanggang sa mga huling araw mo dito sa mundo. Miss na kita, Mama, pero alam ko na masaya ka na diyan kasama ni Daddy. Lagi niyo sana kami gabayan nila Kuya. I love you, Mama, mahal na mahal kita,” madamdamin pang mensahe ni Louise.
Sa mga nabasa naming comments sa kanyang IG, maraming na-shock sa pagpanaw ng kanyang ina. Hindi raw nila alam na may pinagdaraanan na pala si Louise kaya naman saludo sila sa katatagan at katapangan nito.
Sa ngayon, patuloy na pinaglalabanan ng dalaga ang matinding lungkot. Buti na lang daw nandiyan pa rin ang kanyang pamilya at ang kanyang non-showbiz boyfriend para damayan siya at palakasin ang kanyang loob.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.