Sikat na magka-loveteam may ‘sumpa’ sa pag-endorso ng politiko, laging nganga
SUWERTE sila sa kani-kanyang career pero sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ay pinagpistahan ang isang magka-loveteam na hindi masuwerteng tagapag-endorso ng mga pulitiko.
Maraming beses na silang hindi nakapagpanalo ng kanilang ikinandidato mula sa mataas na posisyon hanggang sa ibaba. Wala silang suwerte sa ganu’ng linya.
Kuwento ng isang source, “Di ba, sila ang kinuhang endorser ng isang kilalang-kilalang pulitiko nu’ng tumakbo siya sa mataas na posisyon? Balita ngang milyun-milyon ang ibinayad sa kanila, di ba?
“Pero olats ang politician, walang nangyaring milagro sa pagkampanya ng magka-loveteam, parang wala silang masyadong nakuhang boto para sa ineendorso nila.
“May mga ganu’ng personalities talaga, hindi sila masuwerteng mag-endorse ng politician. Pagkatapos nu’ng malaking politician, e, ikinandidato rin ng magka-loveteam ang isang tita-tita nila.
“Malapit sa family ng male personality ang kumandidatong konsehal. Pero olats din, samantalang ang dami-daming nagtitilian nu’ng kampanya habang kumakanta sila!
“Hindi na-translate sa boto ang mga tili at kilig ng audience, talo ang ikinampanya nila,” sabi ng aming impormante.
Ang pinakahuli ay hindi na iba sa male personality, mismong kadugo na niya ang ikinampanya nila ng kanyang ka-loveteam, pero waley din.
“Talo rin ang ikinampanya nilang male personality, napakalaki ng agwat ng panalo ng kalaban nu’ng actor politician, hindi rin nagkaroon ng milagro. Ganu’n din ang scenario, malakas sila sa audience, pero hindi nauwi ‘yun sa boto ng kapamilya ng male personality.
“Siguro, next time, e, hindi na sila masyadong kukuning endorser ng mga pulitiko. Hindi kasi sila masuwerte sa ganu’ng linya. Masuwerte nga sila sa career nila, pero pagdating sa pulitika, wala silang panghila,” napapailing pang kuwento ng aming source.
Kailangan pa ba namang i-memorize kung sino ang magka-loveteam na ito, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.