5-8 bagyo mula Hunyo-Agosto inaasahang papasok sa PAR
Leifbilly Begas - Bandera May 29, 2019 - 06:42 PM
LIMA hanggang walong bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility mula Hunyo hanggang Agosto.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical inaasahan na papasok ang tag-ulan sa kalagitnaan ng Hunyo.
Sinabi ni PAGASA deputy administrator Flaviana Hilario na inaasahan ang normal na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Posibleng maramdaman umano ang epekto ng mahinang El Nino hanggang sa huling bahagi ng taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending