Facebook, Youtube ipapatawag sa Kamara | Bandera

Facebook, Youtube ipapatawag sa Kamara

Leifbilly Begas - May 29, 2019 - 06:04 PM

IPAPATAWAG ng Kamara de Representantes ang mga opisyal ng Facebook at Google na siyang may-ari ng YouTube matapos umanong tumanggi ang mga ito na alisin ang “Ang Totoong Narcolist” video ni Peter Joemel “Bikoy” Advincula.

Ayon kay House deputy minority leader Alfredo Garbin kahit na sinabi na ni Bikoy na kasinungalingan ang kanyang mga sinabi ay ayaw pa ring alisin ng YouTube ang video.

Sinabi ni Garbin na mayroong responsibilidad ang pamunuan ng Facebook at YouTube na alisin ang mapanirang video.

Inihain ni Garbin at iba pang kinatawan ng Ako Bicol ang House Resolution 2585 upang makapagsagawa ng imbestigasyon ang House committee on Information and Communications Technology.

Ayon kay Garbin malisyoso ang ginawang akusasyon ni Bikoy kay Elizaldy Co., ang may-ari Misibis Bay resort, isang five-star luxury hotel and resort sa Albay.

Tinagurian ni Bikoy na lider ng drug syndicate si Co sa Episode 5 ng video at ang resort umano nito ay “central house facility” kung nasaan ang shabu laboratory nito.

Sinabi ni Garbin na hindi pinautang si Co ng isang bangko dahil sa video na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending