Ellen Degeneres tinupad ang wish ni Marcelito Pomoy na ma-meet si Celine Dion | Bandera

Ellen Degeneres tinupad ang wish ni Marcelito Pomoy na ma-meet si Celine Dion

Ervin Santiago - May 29, 2019 - 09:51 AM

NATUPAD na rin ang isa sa mga itinuturing lamang na “impossible dream” ng Kapamilya singer na si Marcelito Pomoy – ang ma-meet up close and personal ang idol niyang si Celine Dion.

Feeling naka-jackpot sa lotto si Marcelito nang makapagpa-picture siya sa award-winning international singer na tinitingala at iniidolo sa buong universe.

Sa kanyang Instagram at Facebool accounts, nagpasalamat siya sa TV host na si Ellen DeGeneres na nagbayad ng kanyang airfare, hotel accommodation at concert ticket para mapanood nang live si Celine.

“Thank you The Ellen Show. Thank you for this gift more so for the chance of a lifetime to meet, hug and have a chance to take photo with Celine Dion, an exclusive moment, a face to face.

“I am so speechless. Her security might be too strict which I understand but just to be near her is a memory that I will cherish for the rest of my life,” ang caption ni Marcelito sa kanyang photo with Celine.

Ikinuwento rin niya kung ano ang malaking pagkakaiba ng sistema sa Pilipinas at sa ibang bansa pagdating sa mga fan meet o simpleng pagpapalitrato sa mga international celebrities.

“Ibang-iba sa Pinas. Doon madaling lapitan, pwedeng-pwedeng hilahin, pwedeng kurutin, pwedeng halikan, pwedeng magpapicture kahit saan.

“Dito susuot ka sa butas ng karayom. Hindi pwedeng magpicture gamit ang sariling camera o phone mo.. alam mo yong feeling na gustong gusto mo ng magvideo ng patago pero hindi pwede dahil ipapaiwan sa’yo lahat ng gamit mo para lang makapasok sa Dressing Room ni Celine Dion.

“May sariling photographer na magsesend na lang sayo ng picture at yon ang aantayin mo. Even sa show walang meet and greet after the concert. Hindi din pwdeng magrequest ng selfie, walang ganun,” aniya.

Ngunit sa kabila ng pagdaan sa butas ng karayom, sulit na sulit daw ang experience na inilarawan pa niyang “once in a lifetime opportunity.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending