Winner na konsehala naghahanda na sa 2022 | Bandera

Winner na konsehala naghahanda na sa 2022

Den Macaranas - May 29, 2019 - 12:15 AM

CONGRESS o mayoralty post ang target ng isang nanalong konsehala sa isang lungsod sa Katimugang bahagi ng ating bansa.

Sinabi ng aking Cricket na dahil last term na rin ngayon ng nanalong mayor sa nasabing lungsod at target nito na maging gobernador ng kanilang lalawigan.

Kaya pagkakataon na ito para sa ating bida na makapwesto sa mas mataas na posisyon sa pamahalaan.

Malaki ang tsansang manalo ni Madam dahil sa tiyak na ang suporta na ibibigay sa kanya ng isang mataas na opisyal ng bansa.

Hindi naman lingid sa mga residente sa nasabing lungsod na “special friend” ng isang high government official ang ating bida kaya hindi malayong patakbuhin niya ito sa mas mataas na posisyon sa 2022.

Galing sa isang kilalang industriya si Madam mula sa malayong lalawigan sa Mindanao pero nang siya’y lumipat sa kasalukuyan niyang tahanan ay kaagad siyang nakilala dahil siya nga ay sikat na sikat.

Bukod pa rito ang pagiging malapit niya na kaibigan ng isang top ranking official na minsan na ring naiugnay sa kanya romantically speaking.

Marami ang naniniwala na naging kasintahan ni Madam ang itinuturing niya ngayong “special friend” pero hindi raw ito isyu at bahala na ang taumbayan na humusga sa kanyang magiging performance sa konseho.

Bagaman itinatanggi niya na target niya ang mas mataas na pwesto sa 2022 ay sinabi ng ilang nakapaligid sa kanya na wala rin naman siyang magagawa oras na magdesisyon ang kanyang malapit na kaibigan na tumakbo siya sa mas mataas na posisyon.

Hiwalay na sa asawa si Madam nang maging malapit siya sa high ranking government official na kilalang-kilala sa pagiging chickboy sa kabila ang kanyang edad.

Ang nanalong konsehala mula sa malayong lungsod sa Southern part ng bansa na bida sa kwento natin ngayon araw ay si Miss G….as is Gigil.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending