Sister na sikat na aktres simangutera, walang ka-PR-PR | Bandera

Sister na sikat na aktres simangutera, walang ka-PR-PR

Cristy Fermin - May 29, 2019 - 12:50 AM

HINDI maiaalis ang pagkukumpara sa mga artista lalo na kung magkapatid sila. Siguradong may mapapansin ang publiko at pagkukumparahin sila.

Tulad na lang ng magkapatid na aktres na palaging bumibida sa mga blind items. Wala raw ka-PR-PR ang magkapatid, parang may sariling mundo, parang hindi alam ang pinasok nilang trabaho.

“‘Yung isa, e, parang walang nakikita kahit nakakasalubong na ang mga kasamahan niya. ‘Yung isa naman, e, palaging nakasimangot!

“Parang walang pakialam kung ano ang nangyayari sa paligid, basta nakatukmol lang siyang mag-isa, kaya Simang ang tawag sa kanya,” kuwento ng aming source.

Isa ring magkapatid na artista ang palaging pinagkukumpara, pareho silang maganda, pero ang ugali nila ang may malaking pagkakaiba.

Kuwento ng aming impormante, “Mabait ‘yung ate, palaging naka-smile, very positive ang dating niya. Saka hindi ‘yun namimili ng kakausapin, mabait siya at ma-PR sa lahat, kaya maraming pumupuri sa kanya.

“Pero ‘yung younger sister, e, may tantrums. May sumpong. Palaging wala sa mood. Hindi siya nagsasalita kapag mali ang gising niya sa umaga, basta nakatingin lang siya sa malayo.

“Kaya maraming may gusto sa mas nakatatandang female personality, napaka-cowboy kasi niya, hindi mo siya makikitang wala sa mood.

“Marunong siyang makisama, alam niya ang pinasok niyang mundo, gustung-gusto siya ng mga kapwa niya stars, paborito rin siya ng production dahil hindi sila pinahihirapan ng girl. Mula pa nu’n, e, mabait na talaga si ate.

“‘Yung sister naman niya na mas huling nag-artista, e, hindi pa sanay kung ano ang gagawin niya, mukhang naku-culture shock pa siya. Napakamahal ng smile niya, hindi tulad ng ate niya na napakalaki ng bibig habang humahalakhak!

“Sana nga, one day, e, iupo ni ate ang sister niya para maturuan niyang mabuti tungkol sa pakikisama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kailangan ‘yun ng kapatid niya, dapat siyang matuto, para magustuhan din siya ng mga katrabaho niya,” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, andali-daling hulaan kung sinu-sino ang magsyupatid na ito. Again, andali-dali!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending