Pagpapaseksi ni Janine aprub kay Rayver, pero…
Hindi naman pala selosong boyfriend si Rayver Cruz dahil okay lang sa kanya ang sexy pictorial ni Janine Gutierrez ayon sa aming source.
“Wala naman kay Rayver ‘yun kasi alam niyang work lang saka proud naman siya kay Janine,” saad ng aming kausap
Dagdag pa ng aming source, “Napa-wow nga si Rayver nang makita niya ‘yung picture ni Janine na naka-two piece. Pictorial yata ‘yun for magazine.”
Kilala naming konserbatibo si Rayver kaya nakagugulat na hindi niya pinagbabawalan si Janine na magpa-sexy sa pictorials nito.
At ang isa rin sa dahilan ni Janine kaya siya nagpakuha ng ganu’n ka-sexy ay, “On the list of pics I’ll show my future grandkids so they’ll think I’m cool!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.