Neri Naig sa mga babaeng nakunan: Ok lang magalit, pero ‘wag kayong susuko | Bandera

Neri Naig sa mga babaeng nakunan: Ok lang magalit, pero ‘wag kayong susuko

Bandera - May 28, 2019 - 01:05 AM

CHITO MIRANDA, BABY MIGGY AT NERI NAIG

INALALA ni Neri Naig ang pagkawala ng una sana nilang anak ni Chito Miranda apat na taon na ang nakararaan.

Ni-repost ni Neri kahapon sa kanyang Instagram account ang ultrasound photo ng supposedly first child nila ni Chito na kuha noong May 27, 2015.

Narito ang madamdaming caption ng aktres sa kanyang throwback post, “June 3, 2015, wala nang heartbeat ang baby namin. Devastated. Galit na galit ako sa mundo nun, even kay God, nung panahon na yun. Bakit?! Yun ang palagi kong tanong sa Kanya.

“Bakit ipagkakait na bigyan ako ng chance na maging isang ina? Bakit kinuha agad ang baby ko? Bakit?!

Sa lahat ng nakaka-relate dito, alam ko ang pakiramdam ng nawalan. Sobrang sakit. Pero malalagpasan mo rin ‘yan.

“Darating ang tamang panahon na talagang ipagkakaloob ni God sa ‘yo. Ngayon, may napakakulit at healthy baby Miggy na kami. Sobrang perfect baby boy para sa aming mag-asawa. Sobrang love na love namin at mahal na mahal din kaming mag asawa.'”

Nagbigay din si Neri ng payo para sa mga babaeng naka-experience ng miscarrriage.

“Okay lang na i-release mo ang galit mo. Pero ‘wag kang susuko. ‘Wag kang mawalan ng faith sa sarili mo, at lalo na kay God. Alam kong parati mo ‘tong naririnig, totoo na lahat ng nangyayari sa atin ay may rason at totoo rin na darating ang para sa atin. Patience is a virtue, ika nga.

“Sa lahat ng nakaranas o nakakaranas ngayon ng pagkaulila sa hinihintay hintay nating baby, isang mahigpit na yakap. Hindi ko man maiaalis agad ang sakit na nararamadaman niyo ngayon, gusto ko lang sabihin sa inyo na naiintindihan ko ang pain na nararamdaman nyo. Naranasan ko ‘yan. Sobrang sakit.

“Pero bumangon ako at nanalig kay God. God bless sa ating lahat! Isang mahigpit na yakap!” ang mensahe pa ni Neri.

Isa ang asawa ni Chito Miranda sa iilang celebrities na nagpapasabog ng good vibes sa social media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maraming netizens ang nagsasabi na hanga sila sa katapangan at kasipagan ng aktres bilang asawa, ina at negosyante kaya naman super blessed ngayon ang misis ng Parokya Ni Edgar vocalist.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending