3 mukha ni ‘Bikoy’ | Bandera

3 mukha ni ‘Bikoy’

Jake Maderazo - May 27, 2019 - 12:15 AM

ANG unang mukha ng kontrobersyal na si “Bikoy” o Peter Joemel Advincula ay ang affidavit kay Senate President Tito Sotto sa imbestigasyon ng droga sa New Bilibid Prisons na sangkot sina dating Pa-ngulong Noynoy Aquino, kanyang Executive Secretary na si Paquito Ochoa, Sen. Leila de Lima at maging si Albay Congressman Joey Salceda na tumatanggap ng pera mula sa drugs syndicate.
Nitong bago mag-eleksyon, lumitaw ang ikalawang mukha ng nakamaskarang si “Bikoy” sa kumalat na “totoong Narcolist video” at idinawit ang pamilya Duterte, kasama ang anak nitong menor de edad na si Kitty, at ngayo’y newly proclaimed Senator Bong Go sa koneksyon sa illegal drugs.
Ikatlo ay ang pagsuko sa PNP noong Biyernes kung saan nag-apologize siya sa pamilya Duterte at sinabing ang “totoong Narcolist video” ay pakana ni Senator Antonio Trillanes at ng Otso Diretso-Liberal Party na gustong pabagsakin si Duterte at iluklok si VP Leni Robredo.
Sa naturang presscon, inamin ni “Bikoy” na sinungaling siya pero ngayon totoo na raw ang kanyang sinasabi. Walang script at walang binabasa, tinukoy niya ang mga pangalan at lugar kung saan pinlano ang “totoong Narcolist video”.
Matapos magpiyansa noong Sabado, si “Bikoy” ay pinalaya at umalis na rin sa poder ng PNP. Pero, ang kanyang mga binitiwang salita ay pinag-uusapan ng marami.
Alin ba ang totoo? Tatayo ba sa korte ang sinasabi ng isang sinu-ngaling?
Ngunit, matinding debate rin ang pagbalentong ng mga kwento nina Trillanes, LP at grupo ng Otso Diretso.
Noong una, ibinalandra sa publiko na dapat daw mag-imbestiga ang Senado sa sinasabi nitong si sinungaling na si “Bikoy”, partikular sa pagkakasangkot ni Duterte.
Pero, noong lumitaw ang lumang affidavit ni “Bikoy” laban kina PNoy, de Lima at iba pa, hindi na itinuloy ang Senate hearing at nagsimula na ang pagkambyo.
Inunahan ito ng pagdakip ng NBI kay Rodel Jayme, ng Metro Balita news website noong Mayo 6, at kinasuhan ito ng inciting to sedition dahil siya ang nag-upload ng “Bikoy” video.
Itinuro rin niya ang kanyang kasamahan sa LP na nasa likod nito. Bagay na ikinatahimik noon ng oposisyon. Of course, narinig natin ang pagpapabulaan nila pero ang mga tinukoy na lugar ng mga pulong at kasangkot na mga tao ay sinisiyasat na ngayon ng PNP.
Sa aking palagay, ang pagiging iiisa ng tinuturo ng uploader na si Rodel Jayme at ang sinungaling na si “Bikoy” ay naglalatag ng isang matinding kaso ng “sedition” laban sa LP, kasama na si Trillanes na ngayo’y mawawalan na ng “parliamentary immunity” sa June 30.
Nakikita natin ang pagsasampa ng mga kasong “conspiracy to commit sedition” o pwede rin namang “rebellion” o kaya’y patong-patong na “cybercrime libel” na bubunuin nila sa panahong dominado ng Duterte allies ang Kongreso at maging mga appointees sa Korte Suprema.
Sa ating publiko, ang mga pangyayaring ito’y leksyon na hindi dapat agad-agad maniwala sa mga kaliwa’t kanang bintang. Maging mapanuri kapag merong mga “viral expose” sa Internet na nakatakip ang mga mukha at nagtatago ng boses.
Ayan! nabulgar na merong mga taong ang ispesyalidad ay “linla-ngin” o ilihis sa totoo ang isipan ng bayan sa pamamagitan ng bayarang testigo.
At dito ang kanilang premyo ay muling makabalik sa kapangyarihan at lokohin muli ang taumbayan sa hinaharap.

Panoorin at pakinggan ang Banner story 8-9am DZIQ 990AM Lunes hanggang Bi-yernes. Mag-email sa [email protected] para sa comments.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending