NAKATAKDANG maglaro ang aktor na si Derek Ramsay para sa Batangas City-Tanduay Athletics sa ikatlong season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).
Hndi ito ang unang pagkakataon na maglalaro ng commercial basketball ang sikat na TV at movie personality dahil dati na siyang napabilang sa koponan ng Kettle Korn sa Philippine Basketball League (PBL).
Bukod sa basketball ay aktibo rin si Ramsay, na kamakailan lang ang pumirma ng kontrata sa GMA-7, sa sports na ultimate frisbee at beach football.
“Derek is not only a good actor, but a good basketball player as well. We are happy to have him on our team,” sabi ni Batangas City-Tanduay Athletics team manager at Absolut Distillers, Inc. COO Gerry Tee.
Ayon kay Tee, si Ramsay ay maglalaro sa opening game ng MPBL Season 3 sa Mall of Asia Arena sa Hunyo 12. Maglalaro rin siya sa kanilang Dubai game sa Setyembre.
“I love the game of basketball. Joining Team Tanduay is an honor. I always considered myself an athlete before an actor. I know there will be haters and people who will doubt me, but that’s okay. This is a challenge that I’ve decided to take on. I hope to help the team in any possible way I can,” sabi ni Ramsay.
Ang Batangas City-Tanduay Athletics ang tinanghal na kampeon sa unang season ng MPBL ngunit natalo sa South Division Finals ng Davao Occidental Tigers sa second season.
“Derek will surely add more excitement in our games. With him on board, fans can expect an even stronger Batangas City-Tanduay Athletics team,” dagdag pa ni Tee.
Bukod kay Ramsay may iba pang celebrity ang naglalaro sa MPBL tulad nina Gerald Anderson, Xian Lim, Mark Andaya at Andre Paras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending