Karen kay Vico: Hindi ako starstruck, I was impressed with his convictions

NILINAW ng broadcast journalist na si Karen Davila ang balitang na-starstruck siya sa bagong mayor ng Pasig City na si Vico Sotto.

Sa column ni Ronnie Carrasco na lumabas sa Inquirer Bandera ngayong araw, sinabi nitong hatalang starstruck si Karen kay Vico nang maging guest niya ito sa kanyang proramang Headstart sa ANC.

Read: https://bandera.inquirer.net/218188/obvious-karen-davila-na-starstruck-kay-vico

“Bago pormal na gumulong ang panayam, halatang starstruck si Karen sa kanyang panauhin.

“Oo naman, who wouldn’t get charmed by the 29 year-old guy na nagtapos ng Political Science sa Ateneo?

Simpatiko, magaling magsalita, someone who could pass for a movie star pero mas ginustong pumalaot sa ibang larangan kesa sundan ang yapak ng kanyang mga magulang,” ang bahagi ng komento ni Ronnie.

Sa text message na ipinadala ni Karen, sinabi niyang hindi siya na-starstruck kay Vico nang magkaharap sila sa kanyang programa.

“Kasi hindi naman ako ang kandidato. Its hitting the messenger…palagi tayong ganito and hindi ako star struck, i was impressed with the boy’s convictions. Nakakalungkot,” ang paglilinaw ni Karen sa issue.

Read more...