Jane Oineza minalas sa lovelife: Pero ang gaan, ang sarap ng buhay

By Ervin Santiago May 23,2019
share this

Jane Oineza minalas sa lovelife: Pero ang gaan, ang sarap ng buhay

By Ervin Santiago May 23,2019
share this


SINGLE but happy ang drama ngayon ng Kapamilya star na si Jane Oineza.

Sa wala rin nauwi ang relasyon nila ng former Pinoy Big Brother housemate na si Kyle Secades kaya sa ngayon, mas gusto munang mag-focus ni Jane sa kanyang career. Busy siya sa promo ng first movie niya this year, anmg “Finding You” under Regal Entertainment.

“Wala na po (boyfriend). Single ako ngayon. Single and happy. Ha-hahaha! Wala rin po akong dini-date. Naging maayos naman yung break up. Pero hindi ko alam. Hindi ko sure.

“Pero focus ako sa sarili ko ngayon, sa career, sa sarili ko, sa family, sa lahat, sa trabaho. Ayun,” aniya sa nakaraang presscon ng “Finding You” kung saan makakatamba niya si Jerome Ponce.

“Walang love life. Ang sinasabi ko hindi ko naman hinahanap. Darating naman yan at siguro baka kilala ko ngayon or makikilala ko pa lang. I don’t know yet pero darating din yan.

“Nandu’n ako sa I found myself at ang gaan, ang sarap ng buhay, ang sarap magtrabaho,” chika pa ni Jane.

Naniniwala rin ang dalaga na may tamang panahon para sa lovelife at baka raw hindi pa talaga time para magkadyowa siya uli, “Basta mas magaan ngayon. Siguro oo, depende nga. Depende sa sitwasyon, depende sa tao, depende sa lahat.”

Showing na ang “Finding You” sa mga sinehan sa May 29 nationwide kung saan makakasama rin si Barbie Imperial, directed by Easy Ferrer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending