Hugot ni Robin: Ako’y humingi ng paumanhin sa mga taong nasaktan ko! | Bandera

Hugot ni Robin: Ako’y humingi ng paumanhin sa mga taong nasaktan ko!

Ervin Santiago - May 22, 2019 - 05:08 PM

INAKUSAHAN ang action star na si Robin Padilla na “pera” at “pangsariling interes” lamang ang dahilan kung bakit lantaran ang pagsuporta niya sa ilang kandidato nitong nakaraang midterm elections.

Alam naman ng buong universe na solid supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte si Binoe simula pa noong tumakbo ito sa 2016 Presidential elections.

Sa nakaraang halalan, ikinampanya naman ng aktor ang mga kandidato ng administasyon tulad nina Bong Go at Bato dela Rosa. At dahil dito, may mga taong kumukuwesityon sa tunay na motibo ng mister ni Mariel Rodriguez sa pakikilahok sa politika.

Mukhang napuno na si Robin sa mga ibinabatong akusasyon sa kanya kaya nag-post na siya sa Instagram ngayong araw para sagutin ang mga naninira at nambabagsak sa kanya.

Nag-post siya ng isang quote card na may litrato niya kung saan nakalagay ang mga katagang, “KAPAG PARA SA BAYAN, HINDI KA DAPAT BINABAYARAN.”

Narito ang kabuuang mensahe ni Robin: “Napakarami kong natanggap na paninira sa aking pagkatao minsan patungkol sa akin career kadalasan personal.

“Ito lang ang iiwan ko sa mga taong naglaan ng panahon para akoy gibain at sirain kasama ang aking pamilya ‘I did it all for the glory of God, Country and fellowmen never of money or power’ nagkaroon ako ng mga hindi pagkakaintindihan sa ibang mga tao dahil sa paniniwala at prinsipyo kailanman ay hindi tungkol sa pera o personal o paninira kundi katotohanan lamang.

“Akoy humihingi na paumanhin sa mga taong nasaktan ko sa salita o nasigawan ko dahil sa emosyon o nakapagmalabis ako dahil sa sitwasyon,” unang paliwanag ni Binoe.

Pagpapatuloy pa ng aktor, “Tapos na ang eleksyon may mga nanalo kayat mainam na isantabi na natin ang pulitika at magkaisa tungo sa law and order.

“Kung sino naman ang hindi pa nakakarecover sa huling mga kaganapan muli akong nagpapaalala sa inyong mga matatapang at kaidaran ko hindi tayo ang magkakalaban dahil tayong lahat ay mga Pilipino at Rebolosyonaryo kayat hindi tayo ang dapat umabot sa sukdulan at magkadisgrasyahan my offer to die as heroes sa South China/ west Philippine sea is still standing at Hindi na kailangan pa ipaalam kahit kanino o sa gobyerno.

“Let us do a tausug and show our countrymen the best way to go is for the country not for any leader, money or personal interest sabi nga nila ang Sakripisyo para sa BAYAN ay Sakripisyo para sa DIOS! Ameen!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending