Ogie Diaz bugbog-sarado sa fans ni Mocha: 'Masahol ka pa sa kapitbahay na tsismosa' | Bandera

Ogie Diaz bugbog-sarado sa fans ni Mocha: ‘Masahol ka pa sa kapitbahay na tsismosa’

- May 21, 2019 - 12:20 AM

OGIE DIAZ AT MOCHA USON

LAIT ang inabot ni Ogie Diaz matapos siyang mag-opinyon laban kay Mocha Something.

Talo kasi ang partylist na sinamahan ni Mocha, butata ito nitong nakaraang eleksyon kaya naman nagbigay ng opinion si Ogie kung bakit ito natalo.

“Feeling ko, hindi siya nagka-campaign. Nag-relax siya. Akala niya siguro, mata-translate into votes ang milyon-milyon niyang followers kahit sitting pretty niya.

“Feeling ko din, ayaw ng mga botante yung nakasandal at nakasipsip siya lagi sa Pangulo. Gusto nila, independent-minded. Kaya silang panindigan at ipaglaban ng partylist ni Mocha ke tumulong o hindi sa kanya ang Pangulo.

“Higit sa lahat, ayaw ng mga botante na sawsaw siya nang sawsaw sa isyu kahit mali naman ang stand niya o nagre-resort na siya sa fake news para lang iparamdam sa taumbayan na ‘ako ang makakaaway nyo pag inaway nyo ang sinasamba ko!’ to a point na kahit siguro yung (mga) taong ipinagtatanggol o ipinaglalaban niya ay nagtatakip na lang ng mukha kapag siya na ang nagsasalita.

“Kaya siguro feeling ng mga botante, ‘Hindi yata niya alam kung ano yung marginalized sector na gusto niyang ipaglaban kasi mas busy siya sa pang-aaway sa mga umaaway sa mga taong love niya kesa i-prioritize niya yung sektor na gusto niyang ipaglaban.’

“Anyway, bata pa naman si Mocha. Malay naman niya, sa 2022, makasilat na siya ng pwesto sa kongreso basta alam lang niya ang pinapasok niya at hindi siya nang-aaway nang wala sa lugar. Higit sa lahat, alam niyang hindi lahat ng fb followers ay gusto siya o mahal siya.

“Dahil kahit ako ay may 250k plus followers sa FB— na organic, ha?—hindi naman din lahat yan, gusto ako. Yung iba o karamihan, tsismosa lang o observer lang o ayaw lang mahuli sa balita.

“Masisilat mo din ang gusto mong posisyon basta maramdaman lang nila ang sinseridad mo. Kaya cheer up, Mocha!

Don’t treat your loss in this election as FAILURE, but a BIG LESSON.”

Sa comments ng netizens ay basag na basag si Ogie.

“Bakit Ogie hoy! Saan ba dapat sumandal, sa iyo? Natural PRESIDENTE namin yan! Alangan naman sa amo mong si Jim Paredes at Otso Deritso!”

“Itong si Ogie Diaz masahol pa sa kapitbahay na tsismosa. Baklang marami ang anak.”

“Weeeee. sinabi nga ba ng nitizen? O baka ikaw na bakla ka. Inggit ka lang kasi inaantay mo lang na tapikin ka ni PDuts sa balikat tas makikiakbay na rin. Ayaw lagi inggit. inggit lang jud ka ba.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Of course not. Ayaw lang namin sa party list nia. Asan kaya utak ni Ogie. Isal***al mo na lang yan para malinawan ang nababalot ng kadiliman mong utak.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending