Janine naaksidente sa taping ng ‘Dragon Lady’, tinamaan sa ulo
TINAMAAN sa ulo si Janine Gutierrez habang kinukunan ang maaksyong eksena sa afternoon series ng GMA 7 na Dragon Lady.
Nitong nakaraang weekend naganap ang insidente sa taping ng Dragon Lady kung saan nagkaroon nga ng arnis fight scene si Janine.
Ayon sa ulat, hindi sinasadyang tinamaan sa ulo ang Kapuso actress ng bamboo stick. Dahil dito ay nagtamo ng bukol ang dalaga.
Mabilis namang isinugod sa ospital si Janine at agad sumailalim sa X-ray at MRI. Wala namang nakitang major injury ang mga doktor sa ulo ng aktres bukod sa pamamaga kaya pinayagan din siyang ma-discharge sa ospital.
At in fairness ha, sa kabila ng mga nangyari, bumalik pa rin sa taping si Janine at itinuloy ang kanyang mga eksena kahit pa nga may bukol siya sa ulo.
Ito na ang ikalawang aksidenteng kinasangkutan ng dalaga ngayong taon. Kung matatandaan, last April 1 ay binangga ng isang firetruck ang sasakyan ni Janine habang patungo sa taping ng Dragon Lady.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.