NIYANIG ng magnitude 4.2 lindol ang Masbate kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-6:45 ng umaga.
Ang epicenter ng lindol ay walong kilometro sa silangan ng bayan ng Pio V, Corpuz. May lalim itong isang kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagdulot ito ng Intensity I paggawa sa Masbate City at Legaspi City pero walang inaasahang pinsala ang Phivolcs sa paggalaw na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending