Winwyn sa mga bashers: Wala, dedma na lang
NILAGYAN ng malisya ang pagiging malapit sa isa’t isa nina Alden Richards at Winwyn Marquez.
Eh, mula nang magsama sila sa Kapuso series noon na One True Love, ay napanatili pa rin nila ang kanilang pagkakaibigan.
Eh, dahil sa tsismis na nagli-link sa dalawang Kapuso stars, bina-bash tuloy ngayon si Wyn.
“Actually dedma lang ako sa bash. Nagugulat ako at ewan ko kung saan nanggaling ang story. Nag-uusap naman kami pag nagkikita kami ni Alden.
“Wala naman kaming tinatago. And he’s very sweet naman talaga,” pahayag ni Wyn sa media during the presscon ng bago niyang Kapuso series na Dahil Sa Pag-ibig with Sanya Lopez, Benjamin Alves and Pancho Magno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.