PATAY ang isang abogado matapos na tambangan sa bayan ng Rodriguez, Rizal, kaninang umaga.
Base sa inisyal na ulat mula sa pulisya, sakay si Edilberto Golla Jr., 45, tubong Sultan Kudarat, ng kanyang pick-up truck at papunta sana sa isang pagpupulong nang pagbabarilin siya ng mga armadong kalalakihan na sakay ng isang itim na motorsiklo at nasawi malapit lamang sa kanyang bahay sa Eastwood Greenview sa Barangay San Isidro, ganap na alas-8:45 ng umaga.
Tumakas naman ang mga salarin at nag-iwan ng 56 basyo ng bala.
Sinabi ni Rodriguez police chief Lt. Col. Melchor Agusin na inaalam pa nila ang background ng biktima bilang isang abogado.
Idinagdag ni Agusin na hindi konektado si Golla sa anumang opisina ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.