Maine gwapung-gwapo sa gender challenge app: Pasadong EB Bae na may bigote’t balbas

By Jun Nardo May 16,2019
share this

Maine gwapung-gwapo sa gender challenge app: Pasadong EB Bae na may bigote’t balbas

By Jun Nardo May 16,2019
share this


GINULAT ni Maine Mendoza ang kanyang fans nang naging lalaki ang hitsura niya matapos gamitin ang Snapchat gender challenge filter.

Guwaping na guwaping ang hitsura ni Meng with matching bigote at balbas pa, huh!

At kahit lalaki pa ang hitsura niya ay mukha pa rin siyang artista! Pwedeng-pwedeng maging EB Bae.

“My turn! Loool!” simpleng caption ng Phenomenal Star sa male look siya na nagustuhan naman ng kanyang fans dahil as of this writing ay meron na itong 11K plus na likes sa Twitter, huh!

q q q

Nagpaandar si Kyline Alcantara sa inang si Rowena Alcantara dahi isinama niya ito sa New York City para sa Studio 7 Brooklyn concert at doon na rin nila idinaos ang Mother’s Day.

Sa Instagram post ng Kapuso artist ipinasyal niya ang ina sa sikat na Flatiron building sa NYC.
“Happy Mothers’ Day to this gorgeous lady beside me,” caption ni Kylline.

Anyway, magtatapos na rin kasi ang Kapuso series ni Kyline na Inagaw Na Bituin ngayong Biyernes.

Hinding-hindi niya malilimutan ang mga payo sa kanya ng senior stars na nakasama niya.

Pahinga muna sa aktingan si Kyline after Inagaw Na Bituin dahil ibang challenge naman sa kanya ang bagong show na gagawin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending