MAHIGIT 168 tonelada ng mga ginamit na campaign materials ang nakoleta ng Metropolitan Manila Development Authority.
Sinabi ng MMDA na iaalok ang mga tarpaulin sa mga nagre-recycle.
“Various groups in need of candidates’ tarpaulins to recycle them into bags, place mats, school supplies and other useful items can coordinate with us,” sabi ni MMDA Metro Parkway Clearing Group chief Francis Martinez.
Idinagdag ng MMDA na isang araw matapos ang eleksyon noong Mayo 13 ay nakakolekta sila ng 23 tonelada ng campaign materials o pitong dump truck.
Samantala, karagdagang 145 tonelada ang tinanggal at kinumpiska sa kasagsagan ng kampanya bilang bahagi ng “Oplan Baklas,” na nagsimula noong Marso 1.
“All in all, we have collected so far 168.84 tons of campaign trash this midterm elections,” sabi ni Martinez.
Idinagdag niya na mas mababa naman ito kumpara sa 206 tonelada na nakolekta noong 2016 presidential elections.
Pinakamaraming nakolektang campaign materials sa Quezon City, Parañaque City, Makati City at Maynila.
“We target to rid the major roads in the Metro of campaign materials and spruce up public schools until this week so the public can prepare for the opening of classes next month early,” saad naman ni MMDA Chairman Danilo Lim sa isang pahayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.