Bianca inaatake ng sepanx: Nakakalungkot lang dahil wala na ang dating Sahaya | Bandera

Bianca inaatake ng sepanx: Nakakalungkot lang dahil wala na ang dating Sahaya

Ervin Santiago |May 13,2019
facebook
share this

Bianca inaatake ng sepanx: Nakakalungkot lang dahil wala na ang dating Sahaya

Ervin Santiago - May 13, 2019 - 12:35 AM

INAATAKE pala ng “sepanx” o se-paration anxiety ang Kapuso actress na si Bianca Umali dahil sa transformation ng kanyang karakter sa primetime series na Sahaya.

Magaganda man ang reaksiyon ng mga viewers at netizens sa pagbabago ng itsura ni Bianca bilang si Sahaya, nakaramdam din siya ng lungkot sa pagkawala ng dati niyang ayos bilang isang dalagang badjao.

Aniya, “Kasi, sobrang na-attach na ako bilang si Sahaya and sobrang minahal ko siya emotionally and phy-sically, na nakakalungkot na hindi na mahaba ‘yung hair ko at ‘yung damit ko iba na rin.”

May kani-kaniyang reaksiyon din ang dalawang leading man ni Bianca sa Sahaya na sina Miguel Tanfelix at Migo Adecer na gumaganap bilang sina Ahmad at Jordan respectively.

Chika ni Miguel, “Kapag nakabihis ako bilang Akhmad, tapos nakikita ko siyang nakaganyan, parang naninibago pa rin ako kasi ‘yun ‘yung cha-racter ni Ahmad. Parang ngayon pa lang nami-miss ko na yung dating Sahaya.”

Para naman kay Migo, “Si Jordan lang, nagulat siya sa isang scene na nag-show na si Sahaya ng shoulders at curly na yung hair niya. That’s why there was a scene where I took off the sunglasses and I was like, ‘Oh! Iba ito, ah!’”

Tutukan ang mga susunod pang kaganapan sa Sahaya ngayong mas tumitindi pa ang pagmamahal ni Jordan kay Sahaya at ano naman ang gagawin ni Ahmad kapag nalaman niya ang mga bagong ganap sa buhay ng babaeng itinatangi.

q q q

Speaking of Migo Adecer, mukhang ito na nga ang tamang panahon para mag-shine ang kanyang bituin. Pagkatapos masangkot sa isang kontrobersya kamakailan, mabilis din siyang nakabawi dahil sa kanyang pagpapakumbaba.

Marami-rami na ring nagawang project ang binata mula nang tangha-ling Ultimate Male Survivor sa 6th season ng StarStruck pero ngayon lang talaga nag-ingay nang bonggang-bongga ang kanyang career dahil na rin siguro sa pagma-mature niya as an actor.

Pero alam n’yo ba na balak na niyang bumalik sa Australia pagkatapos niyang gawin ang Encantadia noong 2016? Sa panayam ng GMA naikuwento ni Migo kung bakit nagbago ang kanyang desisyon.

“The StarStruck period was quite a difficult period for me, I was alone. That was a really big test in my endurance and how much stress my mentality can take just to push forward.

“Medyo rocky ‘yung start kasi for that two years my parents were here. Sakto that they were here because I felt like I was really under prepared when they gave me Encantadia straight away,” lahad ng Kapuso hunk.

“For a while, it kind of sent me to a downward spiral. I thought, ‘Should I go home back to Australia and just give it up?’ But I hate leaving a reason to say ‘what if.’ So I said, ‘Okay, I’m going to stay here for a couple more years’ and I did,” pahayag pa ni Migo.

Para kay Migo, isang napakalaking blessing sa kanya ang epic dramaseryeng Sahaya, sa katunayan hindi lang ang mga fans nina Bianca at Miguel ang tumututok sa Sahaya kundi maging ang followers nila ni Bianca. May sarili na ring fans sina Jordan at Sahaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Through that, I was able to work harder, learn the la-nguage a little bit better, and soon enough, the blessings started coming in.

“I think GMA just wanted to see me want it bad enough, just to see that there was a hunger. They have been very patient with me, and I thank the network for that,” chika pa ni Migo na bagong favorite na rin ngayon ng mga beki.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending