Producer-negosyante hindi naniniwalang may malalang sakit si Kris | Bandera

Producer-negosyante hindi naniniwalang may malalang sakit si Kris

Julie Bonifacio |May 13,2019
facebook
share this

Producer-negosyante hindi naniniwalang may malalang sakit si Kris

Julie Bonifacio - May 13, 2019 - 12:10 AM


NALUNGKOT ang ibang fans ni Kris Aquino sa hitsura niya ngayon. Lubog ang pisngi at halatang malaki ang ipinayat ng kanyang katawan.

Deklarasyon ni Kris, meron siyang matinding sakit. At maaaring epekto ng pagpayat niya ang kanyang karamdaman.

Pero kung marami ang naniniwala na may sakit si Kris, hindi ang dati niyang producer na si Rhodora Pascual Morales o mas kilala sa showbiz bilang si Tita Doray.

“Parang hindi ako masyadong naniniwala doon. Healthy siya. Napakabanidosa ng babaeng ‘yun. Konting ano lang noon nagpapagamot,” bungad ni Tita Doray nang makausap namin sa isang political event.

Si Tita Doray ang producer ng controversial special travel show ni Kris, ang “Trip Ni Kris” na iipinalabas sa GMA noong April 9, 2017. Pagkatapos ipalabas ang programa, naglabas ng mga isyu si Kris against Tita Doray at pati na sa anak niya na si Renan na nanalo sa Ferrari Challenge Cup Asia noong 2005.

Inakusahan ni Kris ang mag-ina na super nagamit siya sa ipinrodyus na travel show. Pero pinabulaanan ni Tita Doray ang lahat ng akusasyon ni Kris at kasu-nod ang paghingi ng apo-logy sa kanya ng TV host-actress.

Hindi pa raw niya nakita ang hitsura ni Kris nga-yon, “Payat na siya? Ay, gusto niya ‘yun siyempre. E, nagbabayad ka nga ng milyon para mangayayat,” sabi pa niya.

Pero kung talagang may sakit daw si Kris, payo niya sa dating Kapamilya star na pagbutihin niya ang pagpapagamot, “Magpagaling siya. Kaya lang naaapektuhan din ‘yung ibang tao kapag lagi niyang sinasabi may sakit siya, hindi ba? Pwede naman niyang sabihin na healthy naman po ako.

“Kung meron man siyang karamdaman ‘wag na niyang ibando sa buong mundo. ‘Yun lang. I’m sure she’s healthy. She’s not that very, very sick. Or else, hindi na ‘yan nagsasalita, ‘di ba,” kasunod ang tawa niya.

Hindi pa rin daw sila nagkikita at nagkakausap ni Kris para pormal na magkaayos, “She tried to apologize and all that, nag-text. After that, what for? Hindi ko na kailagang pahabain. Dapat may period na.”

Samantala, mas una naming nakilala si Tita Doray bilang kaibigan ng Asia’s King of Talk na si Boy Abunda. In fact, siya ang recipient ng pinakamataas na karangalan mula sa Make Your Nanay Foundation ni Kuya Boy, ang Licerna R. Abunda award last year.

“Alam mo mahal na mahal ko ‘yan si Tito Boy. Si Tito Boy member ng LGBT hindi mo makakaila ‘yan. Extra talented siya, napakagaling, napakahusay. Matagal na matagal na namin siyang kaibigan,” lahad pa niya.

Si Tita Doray ay nagmamay-ari ng 16 kumpanya, kabilang na ang pagsu-supply ng kuryente sa Nueva Ecija, pharmaceuticals, brokerage, forwarding and logistics companies, consultancy, aviation, land development at travel industry.

Paternal grandmother ng aktor na si Arjo Atayde ang business associate ni Tita Doray, “Ay, magaling ang batang ‘yan. Mana sa ina. Magaling na artista, ke drama or aksyon, or whatsoever. Nagbe-bless sa akin ‘yan. Nag-a-attend kami kapag may family gathering sila.”

Ninang sa binyag ni Arjo si Tita Doray. Kaya ‘wag magtaka kung maging ninang din si Tita Doray kapag pinakasalan ni Arjo si Maine Mendoza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tita Doray is 65 years old at na-stroke na rin daw siya noon pero hindi ito naging hadlang sa pagtulong niya sa kapwa, “Hindi pa naman ako mamamatay. Hinahanap ko nga ang stress. Kinakain ko ‘yan sa umaga. Tutulong ka lang. Hindi mo naman kailangan bodily nandoon ka, utak mo, yung galing mo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending