‘Please, sa araw na ito save this nation from damnation’
TODAY marks a historic event in the country’s political landscape, both in local and national levels, as every Pinoy hopefully goes out to cast his vote.
Lantad ang aming kulay, perhaps not from the very start noong manungkulan si Pangulong Duterte.
Maybe halfway though his first year in office ay para kaming chameleon which had to change political hues base na rin sa kanyang mga desisyon o panukala, if not his lofty campaign promises, none of which ever came true para maramdaman nating lahat.
Maaaring ang mid-term election na ito has nothing to do with the President per se, pero ang mga taong halatang pinapaboran niya are up for ascendancy.
Hindi na namin iisa-isahin pa ang mga ‘yon, but these anointed ones themselves know—in their heart of hearts, isama na ang kanilang mga kabitu-bitukahan—that they simply have nothing good to offer a nation on the slump.
Huwag na tayong magpakaipokrito, ilan sa kanila ay mga pansariling interes lang ang pinoprotektahan, and the future of this nation is absolutely not their concern or priority.
Sinu-sino nga ba ang mga senador na nagsulong ng pahirap na TRAIN Law?
Ang mga dating kaalyado ng LP na nagsipagbalimbingan at sumanib sa administrasyon sa pag-aakalang sure win na sila? O, ang mga pulitikong nagpapanggap na may malasakit sa bayan, pero sila pala itong nagdudulot ng sakit?
Maliit lang ang aming boses pero kapag pinagsama-sama’y daig pa nito ang sensurround system na e-echo nang napakalakas to the point na nakakarindi na.
We’re no gutsy or defiant enough dahil nagkataong sa pahayagang ito kami nagsusulat. It just so happens na sa isang supposedly democratic country ay marapat lang na pag-ibayuhin ang ating mga karapatan to self-expression.
Masagasaan na kung sino ang masasagasaan. Humandusay na sa kalye ng malayang kaisipan ang humandusay nang duguan, kundi man wala nang buhay.
Sa araw na ito, save this NATION from DAMNATION!
q q q
Through this column ay nagpapasalamat kami sa kabaro naming si Jun Nardo who sent us a text invite para sa treat over lunch ni Quezon City Councilor Hero Bautista bilang pagbibigay-pugay para sa mga miyembro ng entertainment media na nagdiriwang ng kanilang mga kaarawan mula January hanggang June.
Naging tradisyon na kasi ni outgoing QC Mayor Herbert Bautista (fondly called Bistek)—as a token of gratitude—na tipunin ang mga nagbe-birthday usually in two batches.
Over the years, ang punong-abala ay si Tito Jun at ang kanyang grupo, also our colleagues, sa pagpapatawag ng nasabing event. In 2014 noong naospital kami and couldn’t make it personally, we were still given a birthday treat.
Nitong Miyerkules, due to our serious lumbar problem, it was Tito Jun who also made it possible that we be given birthday perks.
The legacy is just passed on. Mula kay Bistek hanggang sa kanyang bunsong kapatid plus Harlene’s presence ay hindi nakakalimot ang pamilya Bautista.
Tama rin lang ang pagpili nila ng event handlers or organizers ably led by Jun Nardo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.