Pia Wurtzbach naipatayo na ang dream house; planong magpa-seafood fiesta sa Mother’s Day | Bandera

Pia Wurtzbach naipatayo na ang dream house; planong magpa-seafood fiesta sa Mother’s Day

Ervin Santiago |May 10,2019
facebook
share this

Pia Wurtzbach naipatayo na ang dream house; planong magpa-seafood fiesta sa Mother’s Day

Ervin Santiago - May 10, 2019 - 04:56 PM

PIA WURTZBACH

NATUPAD na rin ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang isa sa mga pangarap niya sa buhay – ang maipatayo ang kanyang dream house.

Ayon sa beauty queen-actress, unti-unti nang nagbubunga ang kanyang mga pagsisikap, kabilang na nga riyan ang pagkakaroon ng sariling bahay.

“All the hard work has finally paid off, so I’m excited to share everything with you guys soon. So baka mapu-push back lang ang moving in date ko,” pahayag ni Pia sa isang interview.

Kapag nakikita raw niya kung saan napupunta ang mga pinaghihirapan niya, mas lalo pa raw siyang ginaganahang magtrabaho. Marami pa raw siyang nais ma-achieve sa kanyang career kaya naman mas lalo niyang pinagbubuti ang mga proyektong ibinibibay sa kanya.

Ibinalita rin ng dalaga na tuloy na tuloy na ang bagong pelikulang gagawin niya kung saan makakasama niya si Vhong Navarro.

“Now I’m working on a movie with Black Sheep with Vhong Navarro. We’re going to start shooting really soon, I think next week. It’s a dark comedy, very interesting,” pahayag ni Pia.
Hindi pa raw pwedeng magbigay ng detalye tungkol sa nasabing movie pero siguradong mae-excite raw ang mga supporters nila ni Vhong sa tema at kuwento nito.

At dahil Mother’s Day na nga sa Linggo, may inihahandang simpleng sorpresa si Pia para sa kanyang nanay.

“My mom has really simple joys in life, ‘yung mga seafood, ‘yung mga paborito niyang pagkain, so most probably I’ll treat her,” chika pa ng Kapamilya TV host-actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending