INANUNSYO ng Social Security System (SSS) ang pagpapatupad ng savings rate ng mga miyembro na magbibigay ng mas mataas na benepisyo sa kanilang pagreretiro.
Alinsunod sa Batas Republika 11199 o Social Security Act of 2018, tataas ang kontribusyon sa 12% mula sa kasalukuyang 11% simula sa 2nd quarter ng taon. Kasabay nito, iaangat din ang Monthly Salary Credit (MSC) na magiging P2,000 ang pinakamababa at P20,000 naman ang pinakamataas.
Napapanahon na itaas ang kontribusyon at Monthly Salary Credit ng SSS upang mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro na makapag-ipon para sa kanilang pagreretiro.
“Gusto nating lahat ang maginhawang pagreretiro at upang magawa iyon, kinakailangan na habang tayo ay malalakas pa ay magsikap upang makapag-ipon. Pinakamura at pinakamadaling paraan ng pag-iipon para sa pensyon ang SSS.
Lahat ng manggagawa, kahit ano pang trabaho, ay kinakailangan na mag-ipon sa ahensya para sa panahon ng kanilang pagreretiro,” sabi ni Ignacio.
Kasabay ng pagtaas sa kontribusyon ay tataas din ang halaga ng mga benepisyo at pribilehiyo dahil itinaas din ang maximum monthly salary credit sa P20,000.
Gayundin, ang miyembro na nakapagbayad ng minimum na 120 kontribusyon na base sa lumang maximum MSC na P16,000 ay tatanggap ng buwanang pensyon na P6,400. Samantala, kung siya ay magbabayad base sa bagong maximum MSC na P20,000, siya ay tatanggap ng P8,000 na pensyon kada buwan.
SSS chief executive officer Aurora C. Ignacio
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.