KathNiel-Alden fans magsasanib-pwersa para sa ‘HLG’
Malaking tulong ang paggawa ng isang artista ng pelikula. Look at Alden Richards, maingay na maingay na ngayon ang movie nila ni Kathryn Bernardo na “Hello Love Goodbye” to think na wala pa itong playdate, huh!
Eh, kapag gumawa ng movie ang isang artista, malaki ang advantage nito sa kanyang career kumpara sa mga tinatawag na TV stars.
‘Yung napapanood sa TV, hanggang umeere ang kanilang program ay matatandaan sila ng publiko pero kapag sibak na sa ere mas madalas na nakakalimutan din sila.
Eh, kung movie, pangmatagalan ang epekto nito sa publiko. Lalo na kapag blockbuster ‘yon at humakot ng awards. Magiging legacy na ‘yon ng isang artista.
Kaya nga si Alden, bukod sa regular TV show niya sa GMA na Sunday PinaSaya at Eat Bulaga tumanggap din siya ng pelikula at hindi lang basta pelikula, makakasama rin niya rito si Kathryn under Star Cinema ay ididirek pa ni Cathy Garcia Molina.
Malaking achievement sa showbiz career ng Pambansang Bae ang ginagawa niyang proyekto ngayon kaya naman this early ay abangers na talaga ang loyal fans ni Alden, pati na ang supporters ni Kathryn.
Siguradong magsasanib-pwersa ang dalawang fandom para maging blockbuster hit ang “Hello Love Goodbye”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.