Kapag nakagawa ka ng krimen, panagutan at harapin mo – Kris
MAY bagong hugot si Kris Aquino tungkol sa justice system sa bansa. Ito’y matapos niyang aminin ang paghanga sa senatoriable ba si Chel Diokno.
Sey ni Kris sa kanyang Instagram post, “Humanga ako kay senate candidate Chel Diokno because i agree sa SENSE ng STATEMENT nya: We all want to put a stop to corruption. We want criminality to stop. But we don’t talk enough about the justice system.
“I only have 1 minor point to raise, when he singled out politicians about not wanting a long discussion about the justice system, from firsthand experience, kahit hindi po pulitiko gustong takasan ang matinong talakayan tungkol sa pagsunod sa batas at sa pagharap sa mga kaso… everyone who committed a crime, not just high profile politicians or organized crime bosses, must be held accountable.
“KAPAG NAKASUHAN KA DAHIL NILABAG MO ANG BATAS, HARAPIN MO ang prosecutor, at DEPENSAHAN MO ANG IYONG SARILI. We are after all presumed innocent until proven guilty.
“BUT we must face the charges filed against us at the prosecutorial level- may sistema tayo na dapat sundin. It’s called the RULE OF LAW,” pagdidiin ni Kris.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.