Hunk actor nagsawa agad sa bagong TV show, negang-nega sa mga viewers | Bandera

Hunk actor nagsawa agad sa bagong TV show, negang-nega sa mga viewers

Ambet Nabus |May 04,2019
facebook
share this

Hunk actor nagsawa agad sa bagong TV show, negang-nega sa mga viewers

Ambet Nabus - May 04, 2019 - 01:10 AM

AY, kapatid na Ervin at mga ka-BANDERA, mainit-init pang tsismis ito na feeling namin ay may bahid ng katotohanan.

Ayon sa aming source, nagsisimula na raw magpakita ng kanyang pagkainip at pagkasawa si kilalang aktor sa latest project niya.

Bukod daw kasi sa hindi nito maayos-ayos ang kanyang “dila” sa pagbibigay ng makabuluhang mga komento, napupuna na ring paulit-ulit na siya sa kanyang mga sinasabi, as in parang copy-paste lang ang peg nito.

Nang mabasa raw kasi nito ang mga report para sa kanilang pilot and up to six episodes, pare-pareho raw ang sinasabi sa pagiging “boring” niyang kasama.

Hindi nagustuhan ni kilalang aktor ang mga comments and recommendations na nakarating sa kanya, kaya’t tila nagpapakita na uli ito ng tantrums sa taping.

Naka-tape na halos ang buong proseso ng unang bugso ng kanilang programa at patungo na sila sa “short listing” ng kanilang mga kalahok.

Huwag naman daw sanang sa mga magaganap na episodes ay du’n biglang magbagong-anyo si kilalang aktor bilang pasaway and eventually leave the show, just like what he did to his other projects.

Ay, ang taray!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending