Tsino di na pumipila sa NAIA security check?
DISMAYADO si Commissioner Aileen Lizada ng Civil Service Commission sa hindi pagpila ng mga mukhang Chinese sa security check ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ngayong araw.
Nasaksihan ni Lizada ang ginawang paglusot ng apat o limang Chinese-looking men sa ilalim ng harang at dumiretso sa x-ray machine habang siya at iba pang pasahero ay nakapila.
“Nandito ho ako sa Terminal 3 for an official regional visit and papasok po ako sa pre-departure area lahat ho ng Filipino ay properly hong nakapila, pati ho ako pumila po ako. Out of nowhere, four to five what appeared to be mga Chinese nationals ay sumuong ho sa ilalim nung parang sa barrier. And they were all laughing and they were all looking at us at dumiretso ho sila sa x-ray,” ani Lizada sa isang voice clip.
Agad na ipinagbigay-alam ni Lizada ang pangyayari sa Office of the Transportation Security ng NAIA.
“I informed OTS that I don’t have any problem with OTS here they were all working properly, ‘yung passenger control lang ho ‘yung kailangang ayusin,” dagdag niya.
Sinabi ni Lizada na hindi maganda na sumusunod ang mga Pilipino sa ipinatutupad na polisiya pero binabalewala lamang ito ng mga dayuhan.
“Nakita ko ho how blatantly and how parang happy pa sila at proud na hindi sila sumunod at hindi sila pumila,” dagdag pa ng CSC official.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.