Edward tuloy ang panliligaw sa pamilya ni Maymay: Ibang klase siya, feeling ko po ang ganda-ganda ko! | Bandera

Edward tuloy ang panliligaw sa pamilya ni Maymay: Ibang klase siya, feeling ko po ang ganda-ganda ko!

- May 02, 2019 - 12:10 AM


“SA tamang panahon!” ‘Yan ang sagot nina Edward Barber at Maymay Entrata tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon ngayon.

Inamin ni Edward na maraming nagsasabi sa kanya na ligawan at i-level up na ang special friendship nila ni Maymay para mas lalong umingay at pag-usapan ang kanilang loveteam.

Pero mas gusto ng binata na magpakatotoo at huwag magpaimpluwensiya sa ibang tao dahil para sa kanyang isang seryosong usapin ang pag-ibig at hindi dapat minamadali.

“I mean it from the bottom of my heart, this world is so crazy. I don’t mean living here in the Philippines. I mean, this industry is so crazy. If there is one thing I learned sa Bahay ni Kuya (PBB Lucky Season 7 edition) is to take things slow.

“So, discover lang as we go along, dont rush into things, don’t dive in because you might not get out. I don’t wanna think too much kasi ang daming [nagsasabi], ‘You guys are a love team, you get together na dapat. Nakakakilig yun. Du’n nanggagaling yung pera, bro, promise!’

“Hindi naman ganu’n, e. The best things in the world, the best things you should love, are things that you gain slowly,” chika pa ni Edward sa presscon ng bago nilang weekly series ni Maymay na Hiwaga Ng Kambat na nagsimula na last Sunday sa ABS-CBN.

Pagpapatuloy pa ng binata, “We know naman very well, from people we see in this industry and outside, from their own experience, e, mas maganda talaga pag nagsisimula bilang kaibigan, e.

“That’s when you know people directly, straight to the core. Pag relationship, you don’t have to be very experienced to know this.

“Of course, you show your best self to them, then as time goes by lumalabas yung flaws, yung mga perks na hindi mo pa alam. So, start from friendship, and we go from there,” aniya pa.

Inamin ni Edward na wala pa siyang nagiging girlfriend pero nagkaroon siya ng puppy love noong 13 years old pa lang siya.

Hiningan naman si Maymay ng reaksyon sa mga sinabi ni Edward na tinatawag niyang “Dodong.”

“Feeling ko, ang ganda-ganda ko po dahil hanggang ngayon po ay nililigawan po ang family ko. At saka mas mabuti po talaga pag mas kilalanin niyo po ang isa’t isa, hindi pa po talaga time,” pahayag ng dalaga.

Sa ngayon, priority pa rin nila ang kanilang pamilya at career, “Dahil yung totoong magiging official na, darating po yun sa tamang panahon, kapag stable na po ang lahat.

“Ang damdamin ko po kay Dodong ay sobrang feeling thankful po ako na dumating siya sa buhay ko. Dahil po siya yung lalaki na consistent po talaga na kapag may gusto siya sa isang babae, kapag sinabi niya hihintayin kita, hihintayin kita,” paliwanag pa ng Kapamilya singer-actress.

q q q

Samantala, isang kwento naman ng pinaglayong kambal na itinadhanang maging magkaribal ang nagdadala ng hiwaga sa pinakabagong fantaserye ng ABS-CBN na Hiwaga Ng Kambat na napapanood tuwing Linggo ng gabi.

Makakasama ng MayWard dito sina Grae Fernandez at Chantal Videla.

Gumaganap sina Edward at Grae bilang ang kambal na sina Iking at Mateo. Isinilang na mukhang paniki si Iking, samantalang normal at lumaki sa marangyang pamumuhay si Mateo. Ang kanilang pagkakaiba ang dahilan ng malalim nilang hidwaan dahil sa paulit-ulit na panlalait ni Mateo kay Iking. Pero liliit ang kanilang mundo sa pagkakataong malaman nila ang sekretong babago sa takbo ng kanilang mga buhay.

Agad na pumatok ang mahiwagang kwento ng serye matapos magtala ang pilot episode nito noong Abril 21 ng national TV rating na 24.4%, ayon sa Kantar Media. Muli itong nanguna sa timeslot nito noong Linggo (Abril 28) nang magtala ng 22.7%. Umani rin ito ng papuri online mula sa netizens.

“Ang galing! Action, love story, comedy, fantasy, and moral story in one. One-stop teleserye. Looking forward to next week,” tweet ni @Lorre_Hanae.

“Ang intense. Simula pa lang ang dami na agad nangyari. Marami na agad nabubuong tanong sa utak. Talagang tututukan mo ang kwento ng Kambat,” sabi ni @ecuttel.

Marami pa ngang dapat abangan ngayong Linggo (Mayo 5) dahil muling magtatapat sina Iking at Mateo, at sa pagkakataong ito, magpapagalingan sila sa arnis. Pero bago pa man matapos ang laban nila, tatakas si Iking sa takot na makita siya ng kaaway na magpalit-anyo bilang paniki. Mabisto na nga kaya ni Mateo lihim ni Iking?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy na tutukan ang Hiwaga Ng Kambat bago mag-Idol Philippines tuwing Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable channel 167).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending