Horoscope, April 28, 2019 | Bandera

Horoscope, April 28, 2019

Madam Sophia - April 28, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Tandaang kapag buo ang tiwala mo sa iyong sarili, tuloy-tuloy kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, i-enjoy mo lang ang pakikipag-relasyon sa isang Virgo. Magbibigay ng buenas ang anumang bulaklak na kulay dilaw. Mapalad ang 6, 13, 19, 27, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Dushta-Om.” Bukod sa dilaw, buenas din ang pula.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa araw ng ito darami ng darami ang oportunidad ng pagkakakitaan. Sa pag-ibig, ngayon na ang panahong upang magpakaligaya sa piling ng kasuyo na masarap romomansa. Mahiwaga mong halaman: Primerose. Mapalad ang 3, 9, 28, 31, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om”. Maroon at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Negosyong may kaugnayan sa prutas, tubig at likido ang dapat simulan. Sa pag-ibig, kung pagyaman at maraming salapi ang nais – piliin ang isang Capricorn. Mahiwaga mong halaman: Clover. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Beejaa-Om-Avayara.” Green at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Limutin na ang nakaraan, sa buwan ng Mayo may darating na mas masarap at mas maligayang suyuan. Simulan ang negosyong noon mo pa naiisip – kalakal na may kaugnayan sa pagkain at sa modernong kumunikasyon. Mahiwaga mong halaman: Orchid. Mapalad ang 5, 18, 27, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jagat-Guro-Deva-Om.” Beige at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Ngayon na ang panahon upang bigyang aksyon ang anumang iniisip, tiyak na ito ay magkakatotoo. Sa pag-ibig, bawasan ang pagiging masyadong emosyonal. Mahiwaga mong halaman: Iris. Mapalad ang 4, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Red at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Ipagpatuloy ang pakikilahok sa mga gawaing may kaugnayan sa lipunan, maraming salapi ang iyong mahahawakan. Sa pag-ibig, sa isang pagtitipon mami-meet ang true love. Mahiwaga mong halaman: Sunflower. Mapalad ang 1, 19, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shari-Dosya-Om” Orange at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Tapusin na agad ang mga bagay na sinimulan upang tuluy-tuloy na umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, tapusin na rin ang pakikipag-relasyon sa isang taong walang kuwenta, humanap ng isang Libra. Mahiwaga mong halaman: Jasmine. Mapalad ang 5, 8, 17, 23, 32 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanti-Toshasi-Om.” Gray at beige ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Hindi mo ba nahahalata, sinasamantala nila ang iyong kabaitan? Wag magtiwala kung kani-kanino. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat pagkatiwalaan – ang kasuyong Aquarius. Mahiwaga mong halaman: Aloevera. Mapalad ang 7, 16, 22, 25, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manno-Vanaspatir-Om.” Black at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Ituloy mo lang ang dati mo ng binabalak at iplinaplano, sa panahon ngayon, tiyak na mananaig at magtatagumpay ka. Sa pag-ibig, lalo pang pasiglahin at pasarapin ang pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Mahiwaga mong halaman: Cactus. Mapalad ang 2, 17, 26, 35, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yena-Devasya-Om.” Green at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa bawat pagsubok, nagkukubli ang malaking tagumpay. ‘Wag susuko, walang dapat gawin kundi ang magpatuloy ng magpatuloy hanggang sa umunlad at lumigaya. Mahiwaga mong halaman: Palmera. Mapalad ang 1, 4, 13, 28, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aim-Avira-Virma-Om.” Pink at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Ituloy mo lang ang ginagawang mga pagsisikap malapit na malapit ka ng yumaman. Sa pag-ibig, wag hayaang lumayo ang kasuyong Taurus. Mahiwaga mong halaman: Bamboo. Mapalad ang 4, 17, 22, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Nahme-Om-Naiva-Me.” Green at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Kakaibang produktong na wala pang nakakaisip ang dapat simulan. Sa unique na negosyo ka yayaman. Sa pag-ibig, sa tabing dagat may masarap na romansang maraanasan. Mahiwaga mong halaman: Rosemary. Mapalad ang 3, 17, 22, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Lilac at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Mamayang gabi sabihin sa sarili hanggang makatulugan, “Umuunlad at lalo pa akong yumayaman!” Gawain mo yan gabi-gabi sa loob ng isang buwan, sa ganyang paraan kusa mangyayari sa iyo ang nasabing pag-unlad at pagyaman. Mahiwaga mong halaman: Waterlily. Mapalad ang 5, 8, 23, 32, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Every day, in every way, I’m getting richer and richer!” Red at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending