Kathryn, Daniel 9 na taon nang ipinaglalaban ang relasyon, mahirap nang tibagin | Bandera

Kathryn, Daniel 9 na taon nang ipinaglalaban ang relasyon, mahirap nang tibagin

Cristy Fermin - April 28, 2019 - 12:50 AM

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

Matibay na nga ang pundasyon ng relasyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Kumbaga sa bahay ay hindi na ‘yun kayang patumbahin ng kahit pinakamalakas na bagyo.

Sementado na ang kanilang puso para sa isa’t isa, wala nang puwedeng umentra sa kanilang relasyon nang basta-basta, ganu’n na kabuo ang kanilang tiwala sa bawat isa.

May nakapagbulong sa amin na siyam na taon na pala nilang inaalagaan at ipinaglalaban ang kanilang relasyon ngayon. Limang taon lang ang inamin ng dalawa pero ayon sa amin mapagkakatiwalaang source ay siyam na taon na silang magkarelasyon.

Kung ganu’n ay sobrang tibay na nga ng kanilang pagmamahalan, wala nang makatitibag du’n, dahil nakalaan na ang puso nila sa isa’t isa lang.

Ang relasyon nina DJ at Kath ay hindi lang nakapokus sa pagmamahalan, may kakambal na tiwala at pang-unawa ‘yun, kaya kahit hindi sila magkasama ay patuloy na positibo ang kanilang relasyon.

Mapagpahalaga sila sa emosyon ng isa’t isa, bumibiyahe si Daniel para lang bisitahin ang kanyang girlfriend sa ibang bansa habang nagtatrabaho, at si Kathryn naman ay naglalaan ng espesyal na panahon para makasama si DJ sa mahahalagang okasyon ng kanilang buhay.

Napakasinsero nila sa isa’t isa, sa tinginan pa lang nila ay umapaaw na ang kanilang pagmamahalan, ito ang klase ng relasyon na ayaw nating makitang mauuwi lang sa wala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending