Maine, Alden parehong humahataw ang career; ‘sumpa’ ng bashers walang epek
NAGPAHABOL ng belated birthday celebration ang supporters ni Maine Mendoza na Maine Unity kahit na Abril na. Last March ang talagang kaarawan ni Meng.
Ang bongga sa Phenomenal Star, present pa rin siya sa selebrasyon at ipinost pa niya sa Twitter ang isang foto na kuha sa party.
Anyway, this Sunday, nasa Cebu siya para sa isang event kaugnay ng pagiging endorser ng isang global cosmetics brand kaya ‘yung fans niya sa Cebu, pila na agad para makita nang malapitan ang inyong idolo, huh!
Samantala, after ng shooting sa Hong Kong para sa movie nila ni Kathryn Bernardo, ang soft opening naman ng kanyang food chain sa Biñan, Laguna ang inasikaso ni Alden Richards. This weekend ang grand opening nito.
Sa mga litratong naglabasan sa social media na kuha sa soft opening ng bagong negosyo ng Pambansang Bae, bortang-borta ang kanyang dating dahil may pa-bigote at pa-balbas na siya na sinabayan pa ng magandang katawan, huh!
Kahit walang project together sina Meng at Alden, sunud-sunod pa rin ang showbiz commitments nila.
Ang maganda diyan, patuloy pa rin ang suporta sa kanila ng tunay at loyal na mga miyembro ng AlDub Nation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.