Pokwang napaiyak sa ginawa ng mga Pinoy sa Hawaii Airport: Grabe! | Bandera

Pokwang napaiyak sa ginawa ng mga Pinoy sa Hawaii Airport: Grabe!

Bandera - April 26, 2019 - 12:05 AM

POKWANG, LEE O’BRIAN AT MALIA

NAIYAK ang komedyanang si Pokwang sa ginawa sa kanya ng ilang kababayan nating Pinoy matapos maghintay ng anim na oras sa airport ng Hawaii.

Inilahad ng Kapamilya comedienne sa kanyang Instagram account ang traumatic experience niya sa Hawaii habang hinihintay ang pagdating ng kanyang partner na si Lee O’Brian at anak na si Malia na ilang oras na-delay ang flight sa Manila.

Narito ang mahabang litanya ni Pokey: “Haaayy mga pinoy talaga kahit saang sulok ng mundo may malalambot talaga ang puso. Waiting ako kay papang (Lee), Malia, and ate (Mae, panganay na anak) to arrive here in Hawaii from Manila via (Philippine Airlines) sila na super na delay ng 6 hours ang flight nila!

“So ako 10:30 am Hawaii time nandito na ako, sila papang 2:30 pm pa landing Hawaii time na dapat kung hindi sila na delay sa Pinas dapat mga 9 am nandito na sila sa Hawaii!” lahad ni Pokwang.

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa mga kapwa Pinoy na tumulong sa kanya.

“Stress ako pagod sa show kagabi sa Vegas, walang tulog tapos nag-aalala pa ako sa mga mag-ama ko!

Hay ginutom ako ‘di ko maiwan ang bagahe ko, naawa sa ‘kin mga ate sa airport, binantayan nila ako at binilhan ng food.

“Naiyak ako grabe! Salamat mga ate, God bless you po and ingat kayo lagi po,” pahayag pa ng komedyana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending