Thea Tolentino nasa loob ng Lobo Cave sa Samar nang lumindol; ligtas na nakalabas
LIGTAS na nakalabas sa isang kuweba sa Samar ang Kapuso actress na si Thea Tolentino matapos ang 6.5 magnitude na lindol sa nasabing probinsya.
Ayon sa dalaga, nililibot nila ang Lobo Cave sa Jiabong, Samar nang mangyari ang malakas na lindol. Agad naman siyang nag-post ng mensahe sa Twitter para ipaalam sa kanyang pamilya na safe naman silang nakalabas sa cave.
Ipinost ni Thea ang kanyang litrato habang pumapasok sa kuweba na may caption na, “This was taken 30 mins before the 6.5 magnitude earthquake here in Samar.
“We were exploring Lobo Cave when it happened. Thank God walang nangyaring masama while we were inside,” aniy pa.
Nagpaalala rin ang Kapuso actress sa kanyang followers na maging kalmado lang sa mga ganitong kalamidad.
“Remember, kahit mahirap, wag masyado magpanic dahil baka iyon pa ang magdulot ng kapahamakan natin.
“Stay safe and be alert everyone!” tweet pa ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.