Vance Larena sunud-sunod ang swerte, may serye na may 2 pelikula pa | Bandera

Vance Larena sunud-sunod ang swerte, may serye na may 2 pelikula pa

Julie Bonifacio - April 22, 2019 - 12:10 AM


FOR a first time lead acting experience, marami ang humanga sa husay na ipinakita ng bagong Kapamilya star na si Vance Larena sa longest-drama anthology ni Charo Santos, ang Maalaala Mo Kaya.

Hindi nakapagtataka if one of these days, he’ll become one of the most-in-demand leading men sa Kapamilya network. Napapanood si Vance sa daytime drama-series ng ABS-CBN, ang Nang Ngumiti ang Langit.

“Support lang po talaga kami (sa serye). Parang sub-plot po kami ng hidwaan ng dalawang pamilya. Nagkataon lang po talaga na napakaganda ng pagi-stem ng mga writer sa bawat istorya ng mga character,” paliwanag niya.

Siyempre, nangangarap si Vance na mabigyan din ng malaking role sa mga susunod na teleserye niya and then, maging leading man sa mga pelikula ng Star Cinema.

Dalawang pelikula ang “nilalagare” ni Vance ngayon, ang “Dead Kids” kasama sina Sue Ramirez, Marcus Patterson at Khalil Ramos sa direksyon ni Mikhail Red at ang “Open” directed by Andoy Ranay under T-Rex Entertainment na pinagbibidahan nina JC de Vera at Arci Muñoz.

Si Vance ay isa sa mga talent ng T-Rex Entertainment owned by Rex Tiri. Thankful si Vance sa ibinigay na chance ni Sir Rex sa kanya. Una siyang nagbida at napansin ng mga executive ng ABS-CBN sa pelikulang “Bakwit Boys” produced by T-Rex.

In fairness, maswerte talaga si Vance at nakapasok siya bilang isa sa artists ng T-Rex. Todo-todo ang suporta ni Sir Rex sa kanyang artists at marami pa siyang gustong gawin sa movie industry.

Pero ‘di lang ang pagpo-produce ng movies ang kanyang business, he also owns a resto sa Sct. Limabaga, near T. Morato sa Kyusi, ang Limbaga 77. But more than these, his first and until now biggest-earning business ay ang pag-i-import ng medical equipment.

And right now, may isang malaking foreign equipment na gustong makipag-joint venture sa kanya sa Pilipinas. Bongga ‘di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending