Tambalang Jung Hae In-Han Ji Min muling magpapakilig
The wait is over! Muli nang masisilayan ng K-fans ang Korean heartthrob na si Jung Hae In dahil mapapanood na next month ang kanyang latest series na Spring Night kasama si Han Ji Min.
Nagpakita na ng posters ang MBC kaugnay ng mga karakter nina Hae In at Ji Min. Ang Spring Night ay kuwento ng isang lalaki at babae na kapwa naghahanap ng pag-ibig. Tungkol ito sa real love at hindi destiny.
Gaganap si Hae In bilang si Yoon Ji Ho, na isang pharmacist. Si Lee Jung In naman ang gaganap na Ji Min na isang librarian.
Ang director ng Spring Night ay si Ahn Pan Seok, na siya ring director ng blockbuster K-drama ni Hae In na Pretty Noona Who Buys Me Food or Something in the Rain.
Nag-debut si Hae In sa Bride of the Century at nakilala nang husto sa kanyang pagganap sa While You Were Sleeping noong 2018. Bumida rin siya sa Prison Playbook.
Huli namang napanood si Ji Min sa Dazzling (Light In Your Eyes) nito lang 2019 kasama si Nam Joo Hyuk. Napanood l din si Ji Min sa Familiar Wife (2018).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.