Kasal pa rin, pero may gustong makasamang iba

By Beth Viaje April 17,2019
share this

Kasal pa rin, pero may gustong makasamang iba

By Beth Viaje April 17,2019
share this

DEAR Ateng Beth,
Kamusta na?
Matagal na po akong hiwalay sa mister ko at yung dalawa naming anak ay nasa kanya.
Wala naman na kaming problema dahil maayos ang relasyon namin kahit magkahiwalay na kami.
Ibig ko pong sabihin, ang tinutukoy ko pong relasyon ay relasyon namin bilang mga magulang ng mga anak namin, bukod doon ay wala na.
Ang problema ko lang po ngayon ay may nagugustuhan na akong ibang lalaki at gusto niyang magsama na kami.
Ang kaso ay kasal pa rin ako sa mister ko.
Wala naman kaming pera para pang-annul ng kasal namin. Bukod sa isyung legal, wala naman pong problema sa aming lahat kung kami ay magsasama na.
Tulungan mo naman ako sa dapat kong gawin. Salamat.
Katherine

Sa totoo lang Katherine, kung ikaw ay walang magawa, e di lalo na ang ateng mo ay walang magagawa.
Sa palagay ko, mas makakabuting sa pari o sa pastor ka humingi ng advice para mas maliwanagan ka sa problema mo.
Wala rin akong maia-advice sa usaping legal.
Wala kasi ako sa posisyon na magpayo sa inyo na gawin ang gusto, kasi obviously bothered ka na gawin ang gusto ninyo.
Wala rin ako sa posisyon na magpayo na maghintay kayo na legal na mapawalang bisa ang kasal ninyo dahil nga wala naman kayong maraming sobrang pera para legal na ipawalang-bisa ang kasal ninyo.
So lahat ng ito ay nasa personal ninyong pag-uusap ng dati mong asawa, ng inyong mga anak at ng boyfriend mo. Kung ano ang mapagpasyahan ninyo iyon ang gawin at dalahin ninyo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending